December 2, 2004

Is this a sign?!!!

Wala na namang pasok.

Lahat ng klase ko ngayong semester ay Monday-Thursday ang skedyul. Ewan ko ba kung kamalasan o sadyang coincidence lang, pero lagi na lang walang pasok ang klase ko!!! Ngayong sem, tatlong beses ko pa lang ma-meet ang aking Marketing Management class at dalawang beses naman ang CSYSANDS.

Ang hirap makuha yung pacing ng pagtuturo pag ganito. Mas mahirap kasi ngayon ko pa lang ituturo ang mga subjects na ito. Wala nang natututunan ang aking mga estudyante...

Pero isipin natin na kunyari, naniniwala tayo na "everything happens for a reason". Ano naman kaya ang maaaring dahilan kung bakit lagi akong nawawalan ng klase?

1) Siguro binibigyan pa ako ng time na magprepare nang mas maayos para sa klase ko?

2) Baka may mas importante pa akong maituturo sa labas ng classroom habang walang klase?

3) Baka kailangan kong matest kung paano mag-adjust sa ganitong klaseng sitwasyon?

What the hell. I never believed in "everything happens for a reason" anyway. Walang pasok kasi may bagyo, may contest, may strike ng jeep o kaya nama'y dineclare ni Gloria. Yun lang yun. Period.

Ngayon panahon na para matulog uli... :D

3 comments:

tannyboyastig said...

ang galing! coincidence nga paeng! ewan ko b bkt lgi n lng M-TH wlang klase! un p nmn ung mga ok n subj nmin..hehe..major kc..well,nu man un blessing nmn ang ulan.kya blesing n rin cguro un..pra mkpgready rin kmi s mga ppgwa nyo s'min..hehe..blessing ang ulan,pro bkt calamity ang dala ng bagyo?hehe..how ironic.sna may pasok n monday(dec 6)...pra may m22nan nmn kmi..sayang tuition!hehe..kumikita lng ang feu..hehe..

Anonymous said...

waaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!

gusto ko nang pumasok! gusto ko nang pumasok! baket kaya ganun no? lagi na lang natatapat sa monday or thursday... kaysaya! kaysaya talga! gusto ko nang mag quiz sa auditing theory!!!! *insert sarcasm here*

baka dahil sabi ni lord magpahinga ka muna iho dahil overworked ka na... :P

michelle cruz said...

sirrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!!1

2 linggo n ata tyong hndi nagkaklase......nung una msya kso feeling ko ngyn history major na ko, kse puro asian shit na ang alam ko! wla pa nman atang hilig magabsent prof nmen dun....imagine 2weeks na puro minor subject...isa-suggest ko kay dean na gawin na nyang BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY MAJOR IN HISTORY ung section nmen dhil sa mga msasaklap na pngyayari.....ayoko man aminin gsto ko na rin magquiz sa auditing, punyeta tgal2 ko ng bnabasa ung PSA lgi nmang wlang psok...knakabahan n tuloy ako...tsaka c sir de jesus bka sa sobrang pghahabol e sumobra s bilis s pagtuturo kylanganin ko na ng videocam pra pwde ko irewind ung lecture nya.........
ay nakuuuuuuuuu tlga.....