December 2, 2004

Malalim (?)

Nitong mga nakaraang araw, ilang beses na akong sinabihan na malalim daw ako. Bakit kaya?

Di ba pag sinabi mong malalim, parang di maarok? Mahirap patawanin. May sariling mundo. Puro jargon magsalita. Mahirap maintindihan. Seryoso.

Malalim nga ba ako?

Siguro gusto ko lang talagang isipin kung bakit ako narito sa mundo. Siguro gusto ko lang malaman, ano ba ang aking dapat gawin, ano ang ginagawa ko at ano ang nagawa ko na. Siguro gusto ko lang malaman kung ano ang tama o mali (kung meron man). Siguro gusto ko lang maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko dahil yun lang naman ang paraan para malaman ko ang mga sagot: sa pagmamasid, sa pagdama at sa pag-iisip.

Di ba ang hirap namang isipin na nabubuhay lang tayo para mag-aral, magtrabaho at magkaroon ng karanasan? Di ba tayo ay nag-aaral, nagtatrabaho at nagkakaroon ng karanasan para magkaroon ng pakinabang ang buhay?

Kung yun nga ang ibig sabihin ng malalim, sige, malalim na nga ako. Pero di ba't dapat naman talagang tayong lahat ay mag-isip ng ganitong mga bagay? Dahil ang lungkot naman kung ang buhay natin ay parang pagsunod lang sa nakagawian na, pagsang-ayon lang sa natuklasan na, at pagsasabuhay lang ng kung ano ang idinidikta sa atin na dapat nating maging buhay.

Mayroong best-selling na libro ngayon, yung Purpose-Driven Life. Best-selling siguro siya dahil maraming mga tao na di alam kung saan pupunta at kung ano ang kanilang misyon. May nagregalo rin sa akin nito, pero di ko binasa. Hindi sa minamaliit ko ang libro, pero di ko lang trip kasi para siyang isang short-cut. Mas masaya siguro kung matutuklasan ko ang aking "purpose" sa aking sariling paglalakbay, hindi dahil sa sinabi sa akin ng isang manunulat na ito ang purpose ko. Sa tingin ko, dapat tayong lahat ang sumusulat ng ating sariling mga libro.

Ang pangit naman na pag natapos na ang libro natin, ang mababasa lang ay: Paeng - ipinanganak, nag-aral, grumadweyt, nagtrabaho, nag-asawa, nagkaroon ng anak, namatay. Parang robot na sumunod lang sa isang program, dumaan lamang sa isang predictable na cycle..

Parang hindi nabuhay.

Hindi. Hindi ako malalim. Gusto kong maniwala na ako ay nabubuhay. At ginagawan / hinahanapan ko lang ng saysay ang buhay ko.

5 comments:

Anonymous said...

di ba ang nagbibigay sa atin ng purpose sa buhay ay yung mga nakakasalamuha natin? kung masyadong kang occupied sa pagmamasid-masid, paghahanap mo ng purpose, baka nagiging one-sided ka na lang at lumalagpas na ang mga importanteng bagay dahil naka-focus sa iba... parang yung isa mong article, nung pumikit ka saka mo nakita yung sagot...

Paeng said...

hello. :) kung kilala mo ako, hindi naman ako nagmamasid-masid lang. kaya nga natuto rin akong pumikit at magintrospect.

oo nga pala. sana pakipost yung pangalan asi gusto ko na kilala ko yung mga nagpo-post dito. salamat...

Anonymous said...

guilty ako s pgtawag k sir n malalim...

bsta sir malalim k pr skin!!! hehe, EVAN

em's home said...

malalim ba sir!!! he he he just asking... meron din ako nung book na yun kaya lang di ko rin trip basahin meron kasi akong dinadalubhasang subject ngayon... just read ir later :-)

Zald Soter said...

“Purpose Driven Life” Gabay lang,para hindi maligaw, lalong hindi "Short cut", Kasi madalas ginagawa natin ang mga inaakala nating dapat. Akala natin tama, pero ang totoo hindi ito mabuti. Iba ang pagiging tama sa pagiging mabuti. Hindi lahat ng tama ay mabuti, pero lahat ng mabuti ay tama.

lahat nga tayo ay may kanya-kanyang lakbayin, pero di ba mas maganda kong alam natin na tama ang ating nilalakbayan? na ito ay sang-ayon sa Landas na ibinigay sa atin ng Dios.

Nagbigay nga ang Dios ng mga paraan na dapat sundin, higit pa sa pagmamasid at sariling pagiisip...

sana maintindihan mo Paeng..

GodBless!