December 31, 2004

Walastik!!!



Tumigil na ako sa pangongolekta ng komiks. Nalipat na yung budget ko sa mga Filipiniana books na tungkol sa Philippine affairs. Ganunpaman, di pa rin nawala ang interes ko sa komiks kasi mahal na mahal ko talaga ang medium na ito. At kanina, nagkataon na nakita ko ang bagong labas na revival ng Lastikman na ginawa nina Gerry Alanguilan, Arnold Arre at Edgar Tadeo.

Noong una ay nag-alinlangan ako sa pagbili kasi Mango Comics ang nag-publish. E ang pangit ng revival nila ng Darna. Pero buti na lang sumugal ako kasi ang ganda ng Lastikman komiks na ito. Sulit ang binayad ko.

Sa mga di nakakakilala kay Lastikman, isa siyang character na ginawa ng legendary na komikero na si Mars Ravelo. Pinoy version siya ni Plasticman, nakakapagstretch ng katawan at nakakaya ring magpalit ng shape. Ang original na Lastikman ay isang alien na nagcrash landing sa ating planeta. Nung gawan ito ng pelikula ni Vic Sotto two years ago, nagpalit na ng origin si Lastikman kung saan isa na siyang normal na tao na nagkaroon ng kapangyarihan dahil sa isang meteor na tumama sa rubber tree. Sa pagkakaalam ko ay ito na rin ang sinunod na origin story sa latest movie version na kinatatampukan naman ni Mark Bautista. (nagduet kaya sila ni Sarah Geronimo sa pelikula habang kumakain ng hamburger ng Jollibee?)

Ang Lastikman ni Alanguilan at Arre ay sumunod sa version ni Mars Ravelo at siya'y isa na muling alien. Iba't mas maganda ang kwento kaysa sa Mark Bautista na Lastikman na isa lamang Spider-man ripoff. Talagang nakakatawa siya, localized kasi ang humor. OK rin na Filipino siya isinulat. Karamihan kasi ng komiks na pina-publish ngayon ng mga bigtime na komikero ay English (maliban na lang sa Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsa-Zsa Zatturnah na sinulat rin sa Filipino at isa ring magandang komiks).

Sana marami sa inyong makabasa ng Lastikman. One shot lang naman siya kaya hindi ka mabibitin kung ang hanap mo lang ay isang wakasan na kwento. Medyo may kamahalan nga lang kasi P150, pero maganda ang drawing (classic Arnold Arre ba naman) at nakakatawa talaga ang script ni Alanguilan. Mayroon ding maikling history ng Lastikman at may panawagan ng pagsuporta sa mga Pinoy komiks.

Heniweyz, magpapacontest nga pala ako. Ang unang makapagpost sa comments sa baba ng unang taon kung kelan unang lumabas si Lastik Man sa komiks, may libreng kopya ng Lastikman. :)

Pag di kayo nanalo, bumili pa rin kayo, ok? Suportahan ang Pinoy komiks!!!

6 comments:

Anonymous said...

sir pwede bang kahit walang comment. magpost lang. hehehe... -jhay

Anonymous said...

Lastikman is a character created by the late MARS RAVELO in 1964 with artist Mar Santana. It was serialized in the pages of Aliwan Komiks, published by Graphic Arts Service, Inc. (GASI) Lastikman appeared again in Holiday Komiks in 1968, also written by Mars Ravelo and drawn by Vir Aguirre and Hermoso Pancho. -jhay amida

tannyboyastig said...

wala na..naunahan na ko..waaaahhhhh...happy new year na lang sir!oo nga jhay pwede ba sir magpost na lang?bwahaha!joke!hehe..

Gerry Alanguilan said...

Salamat, pareng Paeng.

Nagkamali ako dun sa sinulat ko. Sabi roon 1965 lumabas si Lastikman. Ang tama ay 1964 talaga. he.he.

Paeng said...

gerry? gerry...alanguilan?

nagpost sa blog ko?!!! (hinimatay...)

JEFFREY MARCELINO ONG said...

hey, paeng! komiks lover ka pala. mas lalo na ako...kasi naging writer ako sa ALIWAN KOMIKS, nakagawa pa nga ng mga series.. and guess what...? sidekick ni LASTIKMAN yung character ko...si LASTIKDOG! Sayang nga lang...wala nang aliwan komiks ngayon...huhuhu...kakalungkot...mahal na mahal ko pa naman ang komiks. 1992 ako unang pumasok sa komiks...nagsulat ako for then years...short stories...series...nobela...tapos........wala...wala na...wala nang komiks...huhuhu...i mean, wala na yung mga classic na komiks na kinalakihan ko...

keep in touch tayo, tol...eto cell # ko: 09185017734.

andito ako ngayon sa daet, camarines norte. manunulat at direktor sa entablado at telebisyong lokal...