December 26, 2004

Batong Pinoy

Kagabi, ang ganda ng natanggap kong regalo kay isipkamote. Ito'y ang librong Punks, Poets and Poseurs, isang collection ng mga essays ni Eric Caruncho tungkol sa Pinoy rock scene. Pinrint ito nung 1996, kainitan ng explosion ng Pinoy rock sa mainstream. Eto yung panahon na talagang namulat ako sa ganda ng OPM. Dati kasi, puro foreign acts talaga gusto ko, tulad ng Queen, Extreme at Van Halen. Nagbago lahat yan nung napakinggan ko ang Eraserheads, Rizal Underground, Yano, etc.

Nakakamiss talaga ang panahong iyon.

Habang binabasa ko yung libro (na ilang beses ko na ring nabasa noon sa National Bookstore), parang medyo na-depress ako sa estado ng rock scene ngayon sa Pinas. Sabi ng ilang mga estudyante ko, masyado daw akong nagho-hold on sa mga alaala ng kabataan ko kaya nirereject ko yung kung anumang magandang qualities ng mga nae-enjoy nila ngayon. Marahil may katotohanan nga yung sinabi nila. Mahirap naman talagang tanggalin yung nostalgia factor. Pero yung Pinoy rock kasi ngayon, parang kulang sa substance. Parang wala yung "revolutionary fire" na dala ng mga banda noon...

Noong sumabog ang Pinoy rock noong early to mid-90s, grabe yung excitement sa ere. Eto na't may "bago" kang naririnig - mga bagong mukha na may mga bagong tunog at may mga bagong mensahe. Walang formula. Para siyang isang statement laban sa mainstream music, na bago ang pagsabog ng rock ay dinodomina ng mga Billboard chart-toppers. May drive na magbuo ng isang distinct na tunog at mensahe na Pinoy.

Kumbaga, sinasadya man o hindi ng mga musikero noon, may ingredient ng "nationalism" na naassociate sa musika ng panahong iyon. Ang Original Philippine Music ay naging synonymous sa Pinoy rock music. Dahil sa phenomenon na ito kaya siguro nakasabay noon sa pagsikat ng mga banda ang mga protest / nationalist musicians tulad ng Buklod, Patatag, The Jerks, Grupong Pendong at mga soloista tulad nina Gary Granada at Jess Santiago na bigla na lang nagkaroon ng pagkakataon na magenjoy ng shelf space sa mga record bars. Di man sumikat, pero nagkaroon naman sila ng konting mainstream exposure.

Ngayon, ang Pinoy rock ay parang walang direksyon. Walang pagnanasa na umangat at maging iba. Sumusunod na sa formula. Napaka-ironic nga, kung kelan pa naman may sumikat na kantang "Pinoy Ako" ng bandang Bamboo (na napaka-plastic ng dating, pero saka na natin pag-usapan yan), saka naman sila hindi madistinguish sa ibang musika sa airwaves.

Sana magkaroon uli ng rennaisance ang Pinoy rock. Oo, sabihin na natin na marami pa ring mga banda, nakakabenta pa rin sila ng maraming albums at nakakapuno pa rin sila ng mga concert. Pero kulang sa lalim. Kulang sa empowerment. Kulang sa relevance.

14 comments:

Anonymous said...

sir, hihintayin ko ung comment nio sa song ng bamboo! hahaha.. plastik ang dating?? hahaha.. pabasa rin nung buk n yan sir ska ung kay randy david..tnx..

--aLLeN

Anonymous said...

sir, iba na yata kasi trend ng mga banda ngayon eh... may isa nga akong napanood na interview ng isang local rock band... nung tinanong sila kung ano ang gusto nilang gawing kanta... sagot nila, kahit ano basta MAINGAY... mas priority na nila ang paggawa ng mas kaigaigayang tugtog kesa sa lalim ng kanilang lyrics...
sir kaya ba plastic yung bamboo eh dahil halata namang drug addict parin si bamboo at yung iba pang miyembro taliwas sa sinasabi nila sa mga lyrics nila na nagbago na sila at nakilala na nila ang Diyos?

ibalik said...

akoy lumake sa amerika at hindi ko na naabutan ang pag sabog sa radyo ng mga dating astig na mga banda nung mid 90s. salamat na lang sa internet at kahit papano, naka habol ako...habang kasalukuyan itong kumukupas sa tenga ng bagong henerasyon.

hindi "bias" kung aaminin kong napahanga ako ng mga banda tulad ng eraserheads at rivermaya. dahil sa ka kornihan ng mga pinapatugtog nuong umalis ako ng pinas, hindi ko na itinuloy ang pag tangkilik ng opm nung dumating ako sa amerika. pero nung narinig ko ang eraserheads at rivermaya, nabuhay muli ang pag tangkilik sa tugtuging pinoy.

mabuhay si paeng!

Anonymous said...

bakit kailangan palaging may relevance? bakit kailangan hanapin ang wala? bakit hindi makuntento na lang?

Strange Twisted Girl said...

grade one ako noon nang sumikat ang Pinoy rockbands tulad ng Eraserheads. masasabi ko na lumaki ako sa pakikinig ng mga rockbands dahil sa kuya ko. pero alamo, siguro nga wala pa rin tatalo sa dating panahon na kung saan sikat na sikat ang OPM rock songs. ngayon kasi, nagiging stereotype na rin ang ibang rock bands na nagsisilabasan na ngayon. nakikipag-kumpentensya sa mga foreign bands na ang lumalabas eh hindi na maganda. pfft.

Paeng said...

^reply dun sa nagsalita two comments above.

bakit kailangang may relevance? kasi...walang kwenta kung walang relevance? walang purpose. puro kababawan lang at kayu-kayo lang ang natutuwa. tapos unti unti nang mamamatay.

later na ako magexplain, inaantok na ako madaling araw na...

nanoy said...

comment din dun sa "bakit kailangang may relevance?". kung makukuntento tayo at hindi maghahangad ng mas mabuti, patuloy na babagsak ang mga bagay-bagay. gusto nyo ba na 10 years from now ang mga magagandang kanta ay nanggagaling pa rin sa henerasyon nila raymund, rico, etc.? gusto nyo bang ang mga kantang mame-mainstream ay yun pa ring brainless pero melodic? at higit sa lahat, ayaw nyo bang magkaroon naman ng maipagmamalaki ang mga pilipino at matatawag nating "atin" talaga(at hindi feeling at gaya-gaya)?

kung di tayo maghahangad ng mas mabuti, mauuwi tayo sa extinction.

Anonymous said...

Mama, pakitranslate naman sa english ang mga sumusunod na mga pangungusap:

Pero yung Pinoy rock kasi ngayon, parang kulang sa substance. Parang wala yung "revolutionary fire" na dala ng mga banda noon...
Ngayon, ang Pinoy rock ay parang walang direksyon. Walang pagnanasa na umangat at maging iba. Sumusunod na sa formula. Napaka-ironic nga, kung kelan pa naman may sumikat na kantang "Pinoy Ako" ng bandang Bamboo saka naman sila hindi madistinguish sa ibang musika sa airwaves.

Pero kulang sa lalim. Kulang sa empowerment. Kulang sa relevance.

Pleeeeeeeezzzzzzz

Anonymous said...

hala. im doing a research on pinoy rock. due wednesday na po un. i just stumbled upon ur site kasi nagbrobrowse lang ako. i know that book. ung reportage on pinoy rock and roll dba po? i borrowed it at the school lib. 6months nang nasaken ayoko na ngan isoli eh. hahaha. anyways tama po ung cnabi nyo. at napakamainstream na ng pinoy rock ngaun. lahat na lang ng sumisikat na artists eh 'rock band'. at ung mga tao nman, dahil sikat, dahit uso, nagugustuhan nila. hndi na nila naaapreciate ang rock music for what it really is. ang rock kasi nagiging pop na. now everyone loves rock!! wow naman. (sarcasm un haha) wala lang 2004 pa ung entry mo pero naisipan ko lang magcomment. sa mga nakakabasa nito, maganda ung libro. look for it =D (ps: pwede po akong magquote sa paper ko dun sa mga cnabi nyo about pinoy rock? thanks! )

Paeng said...

^ sure, quote it. kahit hindi mo na i-quote, kunyari ikaw lang nakaisip. :p

juneventz said...

itz juneventz....sobrang wla n po tlagang kuwenta ngaun ang mga manunugtog....puro pgwapuhan n lng ngaun...shheeet nman oh...basta gwapo ung front act nla tntnggap na ng publiko...wla na tlagang kuwenta hndi q n mhagilap ung substance na hnhnap q sheeet...buti n lng meron aqng mga album ng mga dting mnunugtog n tunay n rakista tlaga...un lng po slamat...12182k6

Anonymous said...

itz juneventz....sobrang wla n po tlagang kuwenta ngaun ang mga manunugtog....puro pgwapuhan n lng ngaun...shheeet nman oh...basta gwapo ung front act nla tntnggap na ng publiko...wla na tlagang kuwenta hndi q n mhagilap ung substance na hnhnap q sheeet...buti n lng meron aqng mga album ng mga dting mnunugtog n tunay n rakista tlaga...un lng po slamat...12182k6

Anonymous said...

pinoy rock sucks!

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!