November 11, 2004

A Different Classroom Education

Kanina, natuloy na ang kinakatakutang resectioning ng aking mga estudyante. At binigyan ko sila ng opportunity para mag-decide para sa sarili nila...

At parang maraming nangyari sa kanilang discussion. Yun nga lang, wala silang naabot na desisyon. Kasi, mukhang nagkaroon ng deadlock. Ng walkout (?). May (mga) umiyak rin yata...

In the end, the ball went back to my hands. Although the final decision was not entirely of my own making.

Heniweyz, bakit ba ipinasa ko pa sa aking mga estudyante yung desisyon? May nagkasamaan pa tuloy ng loob.

Naghuhugas ba ako ng kamay at ayokong gumawa ng sariling desisyon?

Hindi. Sa totoo lang, may sarili na akong solusyon na i-implement sana. Pero gusto kong may matutunan ang mga estudyante ko sa pagkakataong ito. Kung ako ang gagawa ng desisyon para sa kanila, malaking aral ang mawawala...

Anong aral ba ang gusto kong matutunan nila?

Ako na lang muna siguro ang makakaalam nun. Ang inaasahan ko lang, pag tinanaw muli ng aking mga estudyante ang experience na ito, maiisip nila saan ba ako nagkamali? Ano ba ang ipinaglaban ko? Tama ba ang inasal ko (bago, habang at pagkatapos ng diskusyon)? At higit sa lahat...

Sa pag-iisip ko ng solusyon, inisip ko ba kung anong solusyon ang tama...o kung anong solusyon ang papabor sa akin?

4 comments:

Anonymous said...

hi sir!!! first time ko po magpost ng comment sa tambayan nyo.. una po, pasensya na po talaga kung nakipagmatigasan pa kami nong una sa process na inooffer nyo for resectioning, but in the end, ibbalik din pala yong decision sa inyo.. immature act kc kala namin kaya namin pero masyado lang talaga cguro kami nabigla kaya hindi namin basta basta na lang tinanggap yong gusto ng admin na mangyari.. honestly sir, wala naman talaga kami dapat sisihin dito lalo na kayo sir.. cgro ang medyo reklamo lang namin eh yong di agad pag inform sa amin even on the last days of last semester manlang sana.. pero eto na e..c"_)

nwei, isa ako sa mga umiyak (plastic? deh, totoo..) lam ko yong iba umiyak kc lam nilang sila yong maaalis o kaya yong mga barkadang maghihiwalay..nakakalungkot naman kc tlga.. imagine, di tlga kami makapagpinpoint kung sino yong dapat na umalis kc kahit saan mo ilagay, makakasakit ka talaga ng damdamin..nobody wants to volunteer..bukod sa hindi kagandahan ang sched ng sec3 eh mahihiwalay ka pa sa mga kabarkada mo..

sa ngayon sir, di ko pa maisip kung ano yong cnasabi nyong dapat naming matutunan.. ang naiisip ko lang, mas maganda kung may barkada, kakwentuhan, katawanan at pwedeng laging andyan kung kailangan mo ng kasama pero aminin man namin o hindi, di magagamit ang classmate o barkada pagdating ng board exam..

yun lang sa ngayon.. Goodluck nalang sa lahat ng BSA..

PS: mag-isa lang ba talaga kayong gumagawa sa IABF sir? kaawa naman kayo kc ikaw lang lagi kong nakikita sa may window e.. you deserve some rest..

Anonymous said...

tapos n po pala resectioning... parang di ko man lang namalayan!!! EVAN

Paeng said...

I know that a lot of you would still not know the "lesson", but i guess time (and maturity) will tell.

Anonymous said...

ano nga kaya un lesson na un? :)

ni di ko nga naramdman n ng resectioning knina,pno ko kaya marerealize???!!!

too sad lang nalipat ang pinakamalapit n kaibigan ko s section namin... kahit ayoko maalis sya... eh ano nga naman magagawa ko diba! so,in d spirit of fairness daw ayun nalipat na..

di rin naman nya kasalanan na maging free sec..cno b naman ang my gusto maging free diba?

pro ok lang...lam ko mgkikita kami next sem...so nxt sem kitakitz nalang kami!!!

un lang...