July 2, 2005

Unconstitutional

GMA Resign Signature Campaign


Nagiging mainit na punto ngayon na dapat raw pairalin ang "constitutional process" sa pagresolba ng Gloriagate issue. Madalas itong ibinabato sa aming mga sumisigaw na "Gloria Resign!" Bakit hindi na lang daw kami sumunod sa Constitution at mag-file ng impeachment case?

Ako naman ay napapaisip. Sa pagkakaalam ko, hindi naman labag sa constitution ang mag-rally. May permit pa ngang kinukuha sa local government units para matuloy ito. Hindi rin naman unconstitutional itong mga pinagsusulat ko rito kasi protektado naman sa constitution itong aking freedom of expression.

Tapos, hindi naman namin balak sugurin at kaladkarin si GMA palabas ng Malacanang. Kaya nga "Resign!" ang sigaw e kasi gusto namin si GMA na ang bumaba sa puwesto niya. Nasa constitution naman natin na pwedeng mag-resign ang pangulo.

Kaya nga ang tanong: Ano bang unconstitutional sa pagsigaw ng "GMA Resign!"?

3 comments:

1122 said...

Nakakaduda ang mga naglalakihang banners na "No to Junta! Yes to Democracy!" Sa kanila na naman ang "demokrasya" at sa lahat ng kontra sa kanila ay para sa junta.

Paano kung ayaw mo ng junta pero hindi ka na rin naniniwala sa awtoridad moral ng Pangulo?

Paeng said...

^ at mas nakakaduda, sa tarpaulin pa nakaprint yan. :p

at mas lalong nakakaduda, dapat kinakasuhan rin ito ng vandalism dahil sinasabit nila sa mga overpass at ibang public property. pero hindi, hinahayaan lang yan na nakasabit. :)

nanoy said...

at mas nakakaduda, nagkalat yun sa mga overpass na dinadaanan ng mrt. eh sino lang ba ang nakakaakyat dun? hahaha...