July 14, 2005

Bagong CD na naman

Singson CDMay bagong CD na namang lumabas, ngayon naman galing kay Chavit Singson at sinasabing plot ng opposition para i-assassinate si "Pandak." Parte raw ito ng "mother of all tapes" na hawak ni Allan Paguia at tinanggal lang daw kasi mai-implicate ang side ng opposition.

I will suspend judgment until I have the full transcript of the conversations. Pero ito ang ilang observations sa mga narinig ko nang parte:

a) Yung buong 3-hour tape na hawak ni Paguia, si Garci ang malinaw na ti-nap. Eto, iba-iba yung mga nag-uusap sa telepono. Sino ba talaga ang tinap dito? Si Erap? Yung General Nazareno? Parang inconsistent ito sa conversations sa "mother of all tapes."

b) Parang masyadong malinis ang sound ng tape. Ang isang dahilan kung bakit kapani-paniwala yung Garci tapes ay dahil tunog celfone conversation talaga yung mga usapan na may static pa at minsan garbled na parang nawawalan ng signal. Eto, kasinlinaw ng dubbing nung boses na naga-annotate sa Garci tapes, na gawa na sa studio.

c) Ayon sa argument ni Randy David, malamang authentic yung original Garci conversation kasi mayroong "gloss" sa usapan. Pag nag-uusap kasi ang dalawang tao, hindi sila mag-uusap nang lantaran na parang di sila nagkakaintindihan. Pero rito, parang napakalantad nung usapan. Alam niyo, yung para kang nakikinig ng radio drama na dini-describe ng mga characters yung ginagawa nila. Walang "gloss."

Pero siyempre, hindi ko pa rin pwedeng i-judge basta na hindi authentic ang tape na ito. Kasi, may kinonfirm si Erap na totoong conversation dun, samantalang sinabi ng kanyang spokesperson na si Digs Dilangalen na imposible raw ma-tap si Erap kasi wala naman itong telepono sa loob ng kanyang rest house. Conflicting statements? Interesting indeed.

Saan kaya makakakuha ng kopya nito? Hmmmmm...

6 comments:

amerei said...

Nagulat nga ako kaninang umaga sa news may bagong conversation na naman nilabas...Well hindi ako ganung kakumbinsado rin kasi masyadong clear yung usapan..curious nga rin ako sa full version.

Anyway..favor po...may email address ka po ba ni Isay? thank you po.

Paeng said...

^ hmmmm. sinong Isay? :p

amerei said...

si clarissa sosangyo po ^_^ (paconian rin)

amerei said...

ei..sowee.
ngayon ko lang binasa profile mo.
teacher ka pala..pero yung picture mo kasi familiar...basya eto na lang..paconian ka ba?

Paeng said...

^ why yes. Hail to thee our Alma Mater :p

batch 95.

nanoy said...

kabatch ko si isay. :D