July 29, 2005

Sore Loser

"Talagang ganyan ang contest, may mananalo, may matatalo."

Nung elementary at high school ako, isa ako sa mga pambato ng aking eskuwelahan para ipanlaban sa mga interschool contest. Siguro mga 15 times akong lumaban. At ilang beses akong nakapag-uwi ng medalya sa aking school?

Isang malaking ZERO.

Wala, wala akong naiuwing "karangalan" sa aking eskuwelahan. 1st place, 2nd place, ni 3rd place, wala akong naiuwi. Siguro isa nga iyon sa mga gusto ko sanang balikang panahon. Sa aking pagkakatanda, sa aming eskuwelahan, ako lang ang may record na naging valedictorian na walang naipanalong inter-school contest kahit 3rd place man lang.

Kaya nga parang irony of all ironies na ngayong nagtuturo na ako sa college, na-assign akong maging coach sa maraming inter-school contest. A chance for redemption, perhaps? Siguro. Kaya nga pinagpupursigihan ko ito. Kahit walang bayad, masaya ako. Gusto ko kasing maranasan ng mga estudyante yung saya na di ko naranasan kahit minsan - ang saya ng manalo.

Wala namang masama pag natatalo. Ako, natanggap ko lahat ng pagkatalong naranasan ko noong ako ay lumalaban pa dahil alam kong karapat-dapat yung mga nanalo. Pero may isang klaseng pagkatalo na masakit. Yun ay ang pagkatalo na hindi mo alam kung bakit nanalo yung mga (o yung isa sa mga) nakakuha ng trophy.

Dalawang beses ko lang naranasan ito ngayong nagko-coach ako. At nagkataon na ito ay nangyaring pareho sa pa-contest na inorganize ng iisang organization lang.

Sourgraping? Maaari. Sabi ng iba, kailangan siguro dumistansya ako para makita ko ito objectively. Pero isang taon na ang lumipas, di ko pa rin makalimutan yung ka-bad tripan nung unang talo na di namin matanggap. At ngayong araw na ito, naulit na naman.

Sana nga naba-bad trip lang ako at naaapektuhan ng bias. Pero sa dinami-dami ng beses na nakaranas ako ng pagkatalo sa buhay, gusto kong maniwala na alam ko na kung paano makita kung totoo ang pagkatalo o hindi.

3 comments:

jhoann said...

heyy....i like your website...it has a lot of sense...

Ilyn said...

So far, wala naman akong naging problemang ganan nung nagtuturo ako. Noong hindi pa kami magkakilalang gaano ni Gerry, nagkikita kami sa mga inter-school contests: coach ako, judge sya. At everytime na sya ay isa sa mga judges, di kami nananalo. Di ko rin alam kung bakit. Hmmm.... :)

Pero, sa totoo lang, ayaw na rin ni Gerry na mag-judge sa mga art contests. Meron kasing mga teachers at parents na kinukwestyon ang kanilang decision na ibinase naman nila sa criteria (that the judges do not necessarily agree with, and they have no power whatsoever to change)na ginawa ng organizers, kaya me mga nananalo na hindi talaga maganda artistically speaking pero malalim ang content. Meron ngang maganda ang composition, color at forms pero wala namang kinalaman sa theme (to which the contests are usually based). Maraming art contest na may mas malaking percentage ang content kesa artistic interpretation. Sa ganung mga pagkakataon, napuputukan talaga ang mga judges.

Paeng said...

^ ako madalas ring kuning judge. kaya nga naiinis ako pag may nakikita akong unfair na judging.

saan ka ba naman nakakita na may independent judges na nagdedeliberate nang isang oras sa results? hehehe. e di kung may "maimpluwensiya" dun, mawawala yung independence ng bawat judge.

hay naku. move on na nga. :) naiinis lang ako kasi di ko ma-explain sa estudyante ko kung bakit nag-uwi ng trophy yung isang..basta. hehehe.