July 22, 2005

Manila-centric daw?

Katatapos lang ngayon ng Kilosbayan Forum na hinost ng FEU. Ang speakers ay sina Franklin Drilon at Felipe Miranda. Si Senator Frank ay nagbigay-linaw sa naging desisyon ng Liberal Party na pagtawag sa resignation ni GMA. Nothing new here, lalo na kung nanonood ka lagi ng ANC kung saan nagkaroon ng magandang interview sa kanya si Gene Orejana. Pero ang highlight ng forum ay ang speech ni Felipe Miranda, kung saan siya ay naatasang magbalita tungkol sa State of the Nation from the point of view of surveys, at sa ganung wariy' nakapagbigay siya ng "preview" ng lalabas na results ng latest Pulse Asia Survey sa susunod na linggo.

Madalas na ibinabatong pangontra ng administration supporters ang pagiging masyadong Manila-centric ng mga political developments. Sa Metro Manila lang daw sumisigaw ng "GMA Resign!" Ito ay na-reinforce pa ng pagpapakita ng suporta ng League of Governors at ang mga Mayor sa iba't ibang lalawigan. Bakit daw tayo magre-rely sa mga surveys ng SWS at Pulse Asia na sa Metro Manila lang ginawa?

Sa binigay na speech ni Miranda, natuloy na ngang gumawa ng nationwide survey ang Pulse Asia. At ano ang resulta? Sa buong Pilipinas, sumadsad ang trust rating at approval rating ng pangulo. Maging sa Visayas, na sinasabing bailiwick ni GMA, nawawala na ang suporta sa kanya. Sa sobrang baba, kinailangang i-expand vertically ng Pulse Asia ang plane area ng graph na kanilang ginagamit dahil sobrang baba na ng nakuhang rating ng pangulo.

Hindi ako makapagbigay ng figures ngayon kasi hindi ko naisip na isulat ang mga ito habang ako ay nakikinig. Mahina pa naman ang memorya ko. Kailangan sigurong hintayin natin ang official release ng Pulse Asia para makuha ang specific numerical figures.

Ilan pang mga highlights na natatandaan ko:

* Sa sobrang baba ng pagtingin ng mga respondents sa GMA administration, nagkaroon na ng relative shift sa kanilang perception na tumaas na ang kanilang pagtingin sa administrasyong Marcos at Estrada. Biruin mo, na-glorify na ang mga regime na ito, with the Marcos administration emerging as the perceived most effective government sa comparison ng different administrations from 1965 upwards. Nakakuha ito ng score na 7+. Sinundan ito ng admin ni Estrada, Aquino at Ramos na nag-rate ng bandang 5+. Ang GMA admin ay sadsad at nakakuha lamang ng rating na 3+. Sa paglabas ng resulta na mukhang pinakagustong administration ng mga tao ang rehimeng Marcos, na-outrage ang isang senior Kilosbayan trustee. Sinabi niyang "apples and oranges" ang comparison dahil si Marcos ay isang diktador at ang ibang administration ay mga democratic. (Nung forum, nagbigay ng opinion si Miranda na dapat linawin na oligarchic naman talaga ang gobyerno natin sa ngayon, hindi democratic)
* Sa iba't ibang mga possible alternative scenarios na maaaring mangyari sa pagresolba ng current situation (tulad ng coup d'etat, resign, impeachment, etc.), significantly pinakamababa ang option na pagpapatuloy sa pagiging pangulo ni GMA. (Lumabas na ang official survey results, at mukhang na-misinterpret ko ang part na ito.)
* Sa usapin ng kung sino ang gusto ng taong mamuno sa bansa, medyo significant ang lamang ni Lacson sa Metro Manila. Sa Mindanao, significant ang lamang ni Estrada. Hindi sinabi ni Miranda kung sino ang may significant na lamang sa Visayas at sa iba pang parte ng Luzon. Sa Pilipinas, in general, lamang si VP De Castro, pero hindi significant ang kaniyang lamang.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng Palasyo pag lumabas na officially ang findings ng Pulse Asia? Ano kaya ang magiging reaksyon ng oposisyon? Ano kaya ang magiging reaksyon ng taumbayan?

Abangan...

UPDATE: Official results of Pulse Asia survey can be found here.

2 comments:

riadiosa said...

ano kaya ang magiging reaksyon ng mga estudyante mo kung hindi mo tsetsekan ang kanilang mga papel pero may grade sila for that?! BWAHAHAHAHA!!!

gari said...

ha ha ha ha i think, we feel vindicated. as part of those campaigning against Gloria, Military Junta and Trapos sa kanayunan, lumabas din ang totoo na marami ang ayaw kay Gloria. Mas higit na dama ang hirap sa nayon, lalo na ngayon at wala pang ulan at rain-fed ang mga sakahan...

anyway, wait ko na lang result ng survey.

kaya lang naman nagiging manila-centric ang nanawagan ng oust gloria kasi media people don't find na newsworthy yung mga rally at kampanya ng mga nasa kanayunan.

ano pa nga ba ang aasahan. :-)