July 4, 2005

Ayaw sumama

Sa dinami-dami ng pinost ko na "GMA Resign!" ay hindi pa rin ako naka-attend ng isang rally tungkol sa isyu na ito. Bakit? Kasi nakakawalang ganang sumama pag nakikita kong ang mga kasama ay sina JV Ejercito, Jamby Madrigal, Ernesto Maceda, Ronald Lumbao, Imee Marcos...alam niyo na.

Sa totoo lang, siguro ay nagkaroon na ng EDSA kung di lang kasama ang mga figures na ito. Totoong marami naman silang supporters, pero yung "middle forces" na tinatawag ay nawawalan ng gana pag nakikita sila kasi wala namang moral ascendancy. Hindi tuloy umaabot ng critical mass ang dami ng protesters. Biruin mo ba naman kasi, yung mga taong pinababa namin noong EDSA 1 at EDSA 2, sila naman ang sumisigaw ngayon ng rebolusyon. Ano yun? Inaasahan ba nilang sasama kami sa kanilang laban para makabalik sa puder, gayung dati na namin silang nahatulan na di sila nararapat mamuno?

Pag may mga ganito kasing happening, laging tatlo yung paksyon:

Elite Faction 1 na kinabibilangan nina GMA, Ramos, Makati Businessmen, etc. na pinoprotektahan ang kanilang economic interest.

Elite Faction 2 na nagpo-project na makamasa sila "kuno" na kinabibilangan nina Erap, Marcos, etc. na pinoprotektahan rin ang kanilang economic interest.

Progressive Faction na kinabibilangan ng mga grupo na gusto talagang mabago ang maling sistema, hindi lang ang mga maling namumuno.

Sa mga nakaraang EDSA, nakakalungkot mang aminin ay nagpalitan lang naman talaga yung mga Elite Factions. Parang ginamit lang yung idealism nung Progressive Faction para magkaroon ng critical mass. Pero yung Elite rin ang kumuha ng kapangyarihan sa huli, at pagkatapos ay isasantabi na yung mga Progressive. Kaya leadership lang ang nagbabago pero hindi nagkakaroon ng tunay na reforms.

Dapat, kung magkakaroon man ng "revolution" ngayon, ang mga Progressive ay dapat maging mas proactive sa pag-assert ng tunay na pagbabago. Dapat ay tigilan na ang pagpapaipit natin sa pag-aaway ng dalawang Elite factions.

Di lang ang mga namumuno ang dapat palitan. Dapat ay palitan ang bulok na sistema na hinahayaan lang ang pagpapalitan sa puwesto ng mga politikong pare-pareho lang namang mga oportunista.

3 comments:

Anonymous said...

korak!!!

/spin

uncle tonyo said...

kahit ako, ayaw kong sumama sa kahit anong pagkilos ngayon. kung makakatabi ko lang sa martsa si imee marcos at mga sanlaksang mga gago, huwag na lang.

basta-ibagsak si gloria, ngunit di lang siya. patalsikin silang lahat!

Allan said...

korek ka dyan, isinuka mo na eh kakanin mo ulit ang mga opportunistang traditional politician na yan. PERO SAAN KAYA TAYO PUPUNTA EH WALA NA YATANG IBANG BAGO. Sana andyan pa rin ang mga matitino.

Gloria must stay para sa akin kesa naman magkakagulo ang mga baluktot na hangarin ng mga dati na ring oposisyong sira ang organisasyon.

Mang Allan