July 7, 2005

Exciting

Dahil sa aking butihing Dean, ako ay na-contact ng Quezon City Chamber of Commerce and Industry upang maging resource person sa kanilang Round Table Discussion - "Philippine Politics, Quo Vadis?" - sa Sulu Hotel bukas, July 8, alas-singko ng hapon.

Unang beses kong magsasalita sa isang public forum tungkol sa politika at lipunan. Medyo kinakabahan nga ako, kasi mukhang "fluid" ang format ng forum. Wala akong speech na gagawin. Sa halip ay magiging Q&A ito kaya kailangang maging handa ako sa mga tanong na ibabato sa akin.

Ang aking audience ay mga negosyante. Inaasahan nila na makapagbibigay-linaw kaming mga resource speakers sa political situation ng bansa at sa mga steps na kailangan nilang gawin. Ibang klase ang aming magiging audience dahil may malaking perception na ang business community ay mas kumikiling sa pagpapanatili ng status quo. Ang mga negosyante kasi ay traditional na risk-averse. Ayaw nila ng uncertainty kasi makakaapekto ito sa returns ng kanilang negosyo.

Alam niyo naman kung ano ang aking posisyon sa political crisis ngayon. Ang challenge ngayon sa akin ay kung paano ko makukumbinsi ang mga business leaders sa aking posisyon na hindi sila maa-antagonize o mai-insulto. Dapat ay mabuyo ko sila na maging pro-active na hindi kinokondena ang kanilang kawalang-aksyon hanggang ngayon.

Kinakabahan ako. Pero excited. :)

3 comments:

Anonymous said...

Go! Go! Go! Sir! Gudluck! yakang2 mo yan!

inah said...

gudluck po sir! aabangan k n i-post niyo kung ano ung mgiging reaction ng mga businessmen s speech niyo. gudluck po uli!!! :-)

ronalyn said...

sir gudluck po!!!kayang-kaya mo yan..balitaan mo po kami ha!