July 17, 2005

Below the belt

Madalas nang nangyayari sa mga rally ang paghahakot. Kahit sino pa man ang mag-organize niyan - anti-GMA, pro-GMA o neutral - siguradong may grandstanding na politician na lalaban ng paramihan ng supporters. Magpapamudmod ng pera, mamimigay ng tatlong kilong bigas, o magbababala ng pagsipa sa trabaho, lumang tugtugin na ang mga style na ito ng paghakot.

Pero hindi ko matanggap ang nakita kong paghahakot nitong nakaraang linggo. Sa Makati, ni-require ni Mayor Binay ang lahat ng public schools na mag-issue ng memo na ang klase ay isu-suspend at ang attendance ay che-checkan sa lugar ng Ayala "GMA Resign" rally. Oo na, pwede nang pilosopohing "learning by experience" ang pino-promote ni Binay, pero maling mali na gamitin ang mga walang-magawang kabataan - ang kinabukasan ng ating bayan - sa pagsulong ng pansariling political agenda.

Akala ko sukdulan na ang pagiging kahiya-hiya ng ginawa ni Mayor Binay. Ang di ko akalain ay may mas nakakasuka pa palang paghahakot na mangyayari sa ilalim naman ng direktiba ni Mayor Atienza. Nakausap ng aking kapatid ang kanyang mga hinahandle na choir members na galing sa isang Manila public school rito sa amin, at kumpirmado - kapalit ng attendance sa Luneta prayer rally ay exemption sa periodical exam. Oo, tama ang nabasa mo. Ang pinaghihirapang exemption sa exam na nakukuha ng mga matitiyaga at matatalino sa klase ay pinamimigay na sa kung sinu-sino, kapalit lang ng pag-attend ng rally.

Nakakabastos talaga para sa isang tulad kong kasamang naghihirap na i-angat ang standard ng quality ng education sa bansa na makitang ang cheap na pala ng grade ngayon. Hayaan nang manatiling mga tanga at bobo ang mga kabataan natin, makaiskor lang ng political pogi points. Nakakahiya. Nakakainis. Nakakagalit. Galit na galit talaga ako. Kaya patawarin niyo na ako kung masakit sa mata ang aking isusulat rito.

Mga hayop kayo, Lito Atienza, Jejomar Binay at lahat ng nambaboy sa sistema ng edukasyon para lang sa mga makasarili niyong adhikain. May araw rin kayo.

4 comments:

tannyboyastig said...

sir cool lang..sira ulo talaga yang mga pulitiko na yan!minsan ko lang marinig magalit si sir!lagot na yang mga yan!di bale may nagbanta na naman kay gloria na papatayin siya,sana lang si gloria ang tamaan at dapat head shot lang para sureball..hehe..at sana wala naman madamay na civilian..at matatapos na ang krisis na ito pati na ang pambababoy sa mga institusyon ng ating bansa!pakisuportahan na rin ako sakali tumakbo ako as president 20 years from now.. :) galing nga pala ng UP sa UAAP, 3-0.pag FEU at UP kaya magharap sa finals saan kaya kayo magcheer sir?hehe..win-win kayo dun! :)

JUN said...

I admire your courage. Kakaunti lang talaga ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ating edukasyo. Paano na lang ang mga anak natin kung mananatili ang ganitong sitwasyon. Kaya talagang mahalaga ang guidance ng mga magulang. Huwag natin hayaang gamitin ang ating mga kabataan ng mga iresposableng politiko at guro.
Keep up the good work.

gari said...

hindi lang iyon.
i had a copy of memorandum
from a dean in ccm telling their
students to attend the rally.
there will be checking of attendance before and after the rally.
attendance is equivalent to one exam.

Anonymous said...

tapos nag-aakusahan sila na nanghahakot sila...feeling nila mga banal sila parehas! mga putragis kayong mga mayor kayo, mga wala na ngang magawa kundi magpagawa ng di magagamit na "guiness book of records for mass kissing", ginagawa pang mga piyesa ang mga kabataang tulad namin!

maprito sana kayong kahat sa impyerno!