July 10, 2005

Ang kinabukasan ay nasa ating mga kamay

Naka-headline ngayon sa iba't ibang mga news outfits sa Pilipinas na hindi raw pinagre-resign ng mga miyembro ng CBCP si GMA. Ayon sa ABS CBN, "CBCP junks Arroyo resign call." Ayon naman sa Associated Free Press, "Philippine bishops not to call for Arroyo to step down over poll scandal."

May mga gumamit at naginterpreta ng statement na ito para sabihing kampi raw ang CBCP kay GMA. Si Fr. Robert Reyes, nadismaya sa statement ng mga Bishop at sinabing pro-Arroyo raw ang posisyon na ito. Si GMA nga, nagpasalamat pa sa statement ng mga Bishop.

Sa akin namang pananaw, hindi dapat basahin sa kontekstong pro-Arroyo ang statement ng CBCP. Himayin natin ang paragraph #7 kung saan nanggaling ang "we do not demand for her resignation" statement:

In the welter of conflicting opinions and positions our role is not to point out a specific political option or a package of options as the Gospel choice, especially so when an option might be grounded merely on a speculative and highly controvertible basis. In the present situation we believe that no single concrete option regarding President Macapagal Arroyo can claim to be the only one demanded by the Gospel. Therefore, in a spirit of humility and truth, we declare our prayerfully discerned collective decision that we do not demand her resignation. Yet neither do we encourage her simply to dismiss such a call from others. For we recognize that non-violent appeals for her resignation, the demand for a Truth Commission and the filing of an impeachment case are not against the Gospel.

Basahin ninyong mabuti. Saan diyan sinabi ng CBCP na sila ay pro-GMA kaya hindi nila pinagre-resign ang pangulo? Saan nila "jinunk" ang call for resignation?

Wala.

Hindi nagde-demand ang CBCP ng resignation dahil ayaw nilang sila ang mamili sa tatlong options na pare-pareho namang naaayon sa Gospel: impeachment, Truth Commission, at maging ang resignation. Ayaw nilang sila ang magdesisyon para sa kahihinatnan ng Pilipinas. Gusto nila na tayo ang magdesisyon para sa magiging kinabukasan natin.

Nais kong maniwala na ang CBCP ay naninindigan lamang na ang responsibilidad sa magiging kapalaran ng ating bansa ay nasa ating mga kamay. Nais kong maniwala na ang CBCP ay nagpapakita lamang na sila ay naniniwala pa rin sa pambansang demokrasya.

1 comment:

tannyboyastig said...

ang galing!buti na lang nabasa ko ang blog niyo sir!akala ko rin kasi kampi ang cbcp kay gma based sa pagkakabroadcast nito sa tv.mabuti na lang ang nabasa ko dito ang transcript ng position ng cbcp!tama nga that they stay neutral!
rebolusyon na lang ang paraan ng tao para makaladkad palabas ng malacaƱang si pandak!at ang rebolusyon ng taumbayan ay kinikilala ng saligang batas!"sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them" kaya walang authority si pandak na pigilin ang mga tao dahil unang-una wala dapat siya diyan!hindi na dapat kailangan ng permit permit pa!
kaya lang kaninong rally ba magandang sumama?sino ang lider?