July 25, 2005

SONA notebook

Katatapos lang ng SONA ni GMA. Sino kaya ang nagsulat nito? Maganda ang speech...para sa mga constituents niya. Pero sa mga taong undecided at sa mga taong nago-oppose, sabi nga ni Senator Pia Cayetano, ang speech ay "Tinimbang ngunit kulang."

Nagsimula ang speech sa pamamagitan ng pag-highlight ng Pangulo sa mga "economic advances" diumano na naabot ng kanyang administration. Hinighlight niya ang 6% growth ng GDP noong nakaraang taon (na sabi ng isang economist, dulot sa increased domestic spending dahil sa election period). Apat na milyon rin daw ang mga trabahong nagawa ng kanyang administrasyon mula 2001 (pero 1.5 million ang average na pumapasok sa labor force nitong nakaraang apat na taon, kaya may deficit pa na 2 million). Tumaas raw ang koleksyon ng buwis (at ayon sa bagong BIR Commissioner, gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagpursue ng compromise settlements imbis na pag-file ng tax evasion cases para ma-entice ang mga tao na magbayad). Inaddress rin niya ang pag-improve ng rice productivity (kaya nag-aangkat pa rin tayo ng bigas sa ibang bansa), ang pagdami ng beneficiaries ng health insurance (e paano naman ang GSIS members na hindi makautang?), ang pagbaba sa kaso ng drugs, ang pagbaba sa kaso ng kidnapping (hindi na ngayon) at ang paghina ng insurgency sa Mindanao (contrary sa reports ng MILF at NPA).

Dito na pinasok ni GMA ang kanyang compromise solution sa current political crisis. Inumpisahan niya ang portion na ito ng kanyang speech sa paghayag na “Our political system has degenerated to the extent that it has become impossible for anyone to make any headway yet keep his hands clean.” (Hindi ko maintindihan kung bakit lagi itong sinasabi ni GMA. Hindi ba napaka-self incriminating ng kanyang statement?)

Para matuwa ang mga congressmen, inendorso na niya ang parliamentary form of government. At para mas lalo pa silang matuwa, inendorso na niya ang constituent assembly, na isang turnaround sa kanyang position dati na con-con. Para naman sa kanyang mga supporters sa countryside, inihayag na niya ang kanyang pagsuporta sa federalism.

Standing ovation. Maliban kay Drilon.

Ako naman, hindi ko maintindihan kung matutuwa ako o maiinis ako. I am for federalism, pero hindi ko gustong sumulong ang process dahil lamang sa self-serving intentions ng ruling elite. Hindi ngayon ang panahon para pag-usapan ito kasi marami pang mas importanteng isyu na dapat muna i-resolve. Ang isyu ng pandaraya sa eleksyon. Ang isyu ng jueteng. Ang isyu ng corruption. Parang ang lumalabas, gusto ni GMA na isantabi na lang ang mga isyu na ito at ang pag-usapan na lang ay ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Nagtapos ang SONA sa muling panawagan na magkaisa ang bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno. Pero hindi ba taon taon na lang sinasabi niya ito? Hindi pa ba obvious na totoo ang sinabi niya noong 2003, na hindi magkakaisa ang Pilipinas basta siya ang namumuno?

Iba pang obserbasyon sa SONA:
* Marami ang nakapansin na hindi pumalakpak ni minsan si Senate President Franklin Drilon. Pero may nakapansin ba na hindi rin pumapalakpak si Chief Justice Davide? Dalawang beses kinunan si Davide. Nung una, nung kunan ang katabi niya na si Former President Ramos na nag-standing ovation nang ihayag ang parliamentary form of government. Si Davide lang ang hindi tumayo sa gallery. Sa pagtatapos naman ng speech, nakunan uli sila ng camera. Nakatayo si Chief Justice pero hindi pumalakpak. Hmmmmm...

* Mukhang hindi natuwa si Pia Cayetano sa speech ni GMA. Hindi raw inaddress ni GMA ang krisis na hinaharap ng bansa ngayon. Ayon sa assessment ni Manolo noon, kung sakaling matuloy ang impeachment, mukhang nasa side ng admin si Pia. Sa ating nakita ngayon, hindi kaya nagiging mas independent na siya?

* Mukhang hindi kumbinsido si VP De Castro sa call for charter change. Sensible ang kanyang sinabi na bago isulong ang parliamentary form of government, baka naman dapat i-educate muna natin ang tao na maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. (Baka naman siya mismo hindi rin ito naiintindihan? Hehehe. Bad joke.)

* Yung mga features tungkol sa common folk na nanood ng SONA, mukhang iisa ang request. Tagalugin naman daw ang susunod na SONA. (Magagalita ang mga taga-Cebu niyan)

* Wala bang makakapagturo kay GMA kung paano ngumiti nang maayos? Ang peke talaga ng ngiti niya e.

* Most entertaining coverage: GMA 7. OK ang interview nila with Franklin Drilon at maganda rin yung pag-feature nila sa buong tapang na pagpunta ni Pen Medina, na GMA Resign ang posisyon, sa Pro-GMA rally.

* Best analysis: ABC 5. OK ang kanilang resource persons, at maganda rin yung pagjuxtapose ng images ng rally sa labas ng batasan habang nagsasalita si GMA. Ang dramatic ng dating nung pagtugtog ng National Anthem habang pinapakita na nag-aatrasan ang mga pulis na humaharang sa pasugod na rallyista.

* Best interviews: ANC. Na-interview nila ang mga important personalities, tulad nina VP De Castro, Senators Roxas and Cayetano, iba't ibang congressman at mga LGU officials.

* Best question and answer portion: UNTV with Jay Sonza, Daniel Razon and Batas Mauricio. Nakakatawa yung mga tumawag sa kanila. Pero sana naman hindi na ininterview si Ka Roger, wala naman tayong maririnig na bago sa ipapahayag niya e.

* Napapaisip ako. Si Ramos pa rin ba ang presidente ng ating bansa? Parang tagapagsalita na lang niya si GMA.

2 comments:

jove said...

paeng,

mula sa aming lahat salamat ng marami, kailangang kailangan namin ang ganyang mga puna.

IBA TAYO!

ABC 5 news dept

inah said...

hndi k napansin c davide, and natuwa me kna drilon and cayetano. pero natawa k tlga s sinabi niyong "Wala bang makakapagturo kay GMA kung paano ngumiti nang maayos? Ang peke talaga ng ngiti niya e." kc cmula p noon eh un n ang sinasabi k and nung magsimula ung sona eh un at un lng lgi ang napapansin k kc nakakainis ung ngiti niya kc halatang halata n pilit n pilit lng. alam kc ng tao kung anong ung totoong ngiti at ung pekeng ngiti lng. pero alam niyo b sir sbi ng ate k n bago daw mag-umpisa ung sona eh kabadong kabado dw c gloria, ngwowork kc ate k s congress kya nkita nila. prang ibang gloria dw, kya cguro hnid niya maayos ung ngiti niya! and ung isa p, oo nga parang c ramos prin ung presidente ntin, sobra dba! parang sunod-sunuran lng ung iba!