July 18, 2005

Suggestions

Nung isang araw, nakatanggap ako ng text message mula sa grupo ng mga estudyante sa FEU na nananawagan sa pagbibitiw ni GMA. Ang grupong ito ay nangangalap ng mga pirma ng mga estudyanteng susuporta sa "GMA Resign!" movement. Nagmobilize rin sila ng mga estudyanteng sasamang mag-rally noong nakaraang Miyerkules sa Ayala. Ngayon, nais nila akong kausapin kasi gusto nilang makakuha ng suggestion kung paano mas lalawak pa ang partisipasyon ng mga estudyante sa kanilang adhikain.

Hindi natuloy yung naka-sked sanang pakikipag-usap ko sa kanila kanina. Wala kasi akong natanggap na text message, e sabi ko nga "Txt txt na lang." :) Gayunpaman, nakahanda na rin naman ang isa-suggest ko sa kanila. Sana mabasa nila dito.

Ang una kong suggestion ay may kinalaman sa interactivity. Ang mga bata ngayon, gusto ng participation. Ayaw nila nang parang nadidiktahan sila. Ayaw nila ng pure lecture. Gusto nila yung pakiramdam na sila ang nakaisip ng sagot, hindi yung binigay ang sagot sa kanila nang basta basta na lang. Mas maganda siguro, imbis na pago-organize ng rally, dapat siguro ang i-organize ay mga forums at round-table discussions. Ito rin ang nakita kong suggestion na ipinahiwatig ng CBCP sa kanilang letter sa GMA issue. Dapat pag-usapan ang isyu, mag-imbita ng mga resource speakers na makakapag-share ng mga ideas, at buksan ang floor para sa pag-voice out ng sarili nilang opinyon at tanong. Sa ganitong paraan, ang mga estudyante ay kasama sa pag-formulate ng kanilang sariling paniniwala at conclusions.

Ang mga fora na ito, hindi naman nangangailangan na gawin sa isang isang conference hall o auditorium. Kailangan maging creative. Nandyan ang mga message boards. Nandyan ang mga blog. Nandyan ang mga yahoogroups. Nandyan ang Friendster. Maraming alternative avenues para magkaroon ng isang makabuluhang discussion.

Ikalawang suggestion, kailangan sigurong i-tone down ang literature na ginagamit. In order to convince a non-activist to become active, do not talk to them like an activist. Aminin na natin na may stigma na ngayon laban sa mga aktibista, na hindi rin naman natin masisisi sa mga normal na kabataan kasi parang nakulong na sa lenggwahe ng Dekada 70 ang mga tibak. Kahit ako, napapaatras ako at nawawalan ng gana pag nakakabasa ako ng material na tunog leftist propaganda. Dapat matutong magsalita nang hip ang mga student movement para hindi mailang sa kanila ang ibang kabataan. Hindi naman apathetic talaga ang kabataan ngayon. Mapili nga lang sila sa gusto nilang samahan, paniwalaan at kausapin.

At ikatlong suggestion, dapat ang mga student movement (at sa totoo lang, ang lahat ng nasa progressive movement) na sumisigaw ng "GMA Resign!" ay kakitaan ng consistency of principles. Paanong maniniwala ang mga tao na gusto niyo ang good governance kung sumasama kayo sa rally na pinangungunahan ng Estrada forces? Paanong maniniwala ang mga tao na naghahanap kayo ng social justice kung pumapalakpak rin kayo sa mga speech ni Imee Marcos? Paanong maniniwala ang mga tao sa protesta niyo laban sa paghahakot ni Atienza sa Luneta rally, kung hindi niyo rin kinokondena ang paghahakot ni Binay sa Makati? Tigilan na ang tactical alliances na iyan, kasi nawawala ang credibility ng movement.

Maganda siguro kung may mag-mobilize ng isang rally na HINDI IIMBITAHAN ang traditional opposition. Kung papansinin ninyo, maraming nagtawag ng resignation, particularly ang mga nabibilang sa middle forces (Cory, Hyatt 10, ang mga schools na nag-issue ng statement sa diyaryo, ang mga academicians), na hindi pa nagpapakita sa mga rally. Bakit? Kasi ayaw nilang ma-associate sa traditional opposition. Sa tingin ko, marami pa rin ang mamomobilize dito kahit na wala ang mga Erap, FPJ at Marcos forces.

Different times demand diferent approaches. Kailangan nating i-update ang ating mindset at approaches para tayo ay mas maging makabuluhan sa kasalukuyang panahon.

No comments: