July 10, 2005

If you can't join them...destroy them?

Lumabas na ang demolition team ng administration para sirain ang kredibilidad ng mga nag-resign na cabinet members na nanindigang dapat mag-resign na rin si GMA. Ang demolition team na ito ay binubuo ng mga officials na inis na inis dahil di sila nasabihan nung may balak na palang mag-iwanan (at mukhang huli nan para sumali pa sila, sayang). Masasakit ang mga salitang binitawan ng demolition team. Tinawag nila ang mga resigned cabinet members na mga duwag, traydor at conspirators. Pinapalabas pa na ang ilan sa mga ito ay guilty sa corruption at mismanagement.

Himayin nga natin ang mga akusasyon na ito.

Unang-una, ano ang karuwagan sa resignation ng mga cabinet members? May katapangan nga ang ginawa nila dahil nagpatuloy pa rin sila sa kanilang binabalak kahit alam nilang kailangan nilang harapin ang pagsira sa kanilang integrity at reputation ng mga admin loyalists.

Ikalawa, anong katrayduran sa kanilang aksyon? Oo, dapat may loyalty sila sa pangulong nag-appoint sa kanila, pero hindi ba't mas matimbang dapat ang loyalty sa bansang pinagsisilbihan? Si GMA ang traydor, dahil ang mga desisyon niya ay ginagawa para maisalba ang sarili, hindi para maisalba ang bayan. Hayaan nang bumagsak ang napagkasunduang economic program ng kanyang economic team sa pamamagitan ng biglang pagpapatigil ng E-VAT law, mailigtas lang si GMA.

Ikatlo, napakahipokrito naman ng tumatawag sa kanilang conspirators. Hulaan niyo kung sino ang unang-unang cabinet member na nag-resign nang pumutok ang jueteng scandal ni Erap? Sino pa ba e di si...G...M...A. Hay naku!!! Di ba nag-consult pa daw siya kuno kay Pope John Paul II sa desisyon niyang iyon? (Sana nag-consult na rin siya nung panahon na magde-decide siya kung susuporta ang Pilipinas sa US-Iraq war.)

Ikaapat, kung totoong ang ilan sa kanila ay guilty sa corruption at mismanagement, bakit ngayon lang inireport? Muli, hypocrisy at its highest. Ginagamit ng admin ang argument na kaduda-duda ang alegasyon ng mga nag-aakusa ng pandaraya gamit ang 'Hello Garci' tapes dahil nilabas lamang ito pagkatapos na ng proklamasyon ng pangulo. Ngayon naman, sila naman ang nagpapakita ng ganitong asal sapagkat naglabas lamang ng mga akusasyon laban ng katiwalian pagkatapos nang magresign ng mga cabinet members.

----------

May mga nagsasabing hindi pa rin daw nila maintindihan kung sino ang namumulitika at kung sino ang may prinsipyo sa isyung ito. Madali lang yan. Kunyari, hindi natin alam ang mga binitawang salita ng magkabilang kampo. Hindi rin natin alam kung ano ang kani-kanilang posisyon. Tapos, ang alam lang natin ay ang mga pangalan ng magkabilang kampo:

On the blue corner: Rigoberto Tiglao, Mike Defensor, Gabriel Claudio, Prospero Pichay, Eduardo Ermita, at Miguel Zubiri.

On the red corner: Cesar Purisima, Dinky Soliman, Emilia Boncodin, Teresita Quintos-Deles, Juan Santos, Rene Villa, Guillermo Parayno, at Alberto Lina.

Hulaan niyo kung sinong kumikilos ayon sa prinsipyo at kung sino ang namumulitika.

----------

Tinatanong ni Winnie Monsod kung bakit nag-resign ang mga cabinet members. Hindi raw niya maintindihan.

Ang advise ko kay Manang Winnie, tanong niya kay GMA kung bakit sobrang bilis nag-issue ng TRO ng Supreme Court para pigilan ang E-VAT law. At kung bakit puro GMA appointees lang ang bumoto para sa issuance ng TRO na ito.

Malamang maliliwanagan siya kahit konti.

----------

Nagtatanong rin si Belinda-Olivares Cunanan kung bakit sila nagmamadali?

Ang tanong ko naman, ngayong hirap na hirap na ang ating bayan...bakit natin patatagalin pa?

2 comments:

inah said...

sobra n nga ung mga maka-administrasyon n iyan... totoo ung cnabi n dapat may loyalty nga ung mga cabinet members sa pangulong nag-appoint sa kanila, pero tama rin n dapat mas matimbang loyalty sa bansang pinagsisilbihan. hindi n mahiya c gloria. at ang pinakanaiinis ako eh sa mga tumatawg n conspirators s mga nag-resign, eh ung presidente ng administrasyon ung presidente nlng tinatawag ngyon ung pwede msabihn ng gnun.... ggrr!!!

pat said...

sa palagay ko, kaya bumaligtad yung mga cabinet members dahil narin sa tagilid na yung presidente. alam naman natin (let's face it) na marami talagang mga 'political hookers' sa bansa natin. i'm not saying na mga political hookers nga yung mga nag-resign na cabinet members pero parang ganon na nga yung mga pinapakita nila.
sabi nila na aside sa pagiging incompetent ng pangulo na patukbahin yung gobyerno eh, sinisi din daw sila nung walang epekto yung "i'm sorry" statement ng pangulo dahil sila nga yung nagrekomenda non. so ibig sabihin eh, kahit pano naging personal din yung pagreresign nila.
tulad nga nung ginawa ni PGMA nung crisis ni Erap ng magresign sya as cabinet member, ganito rin yung nangyari sa kanya ngayon na kung kelan tagilid sya eh saka siya iiwanan sa ere ng mga kaalyado nya. ang major difference nga lang eh, hanggang ngaun eh meron parin syang guts na magstay sa posisyon niya na kineclaim ng iba na ninakaw nya.