August 5, 2005

Ano na?

Nagsimula ang tambayan na ito na trip trip lang. Isa kasi akong reviewer dati sa isang comic book fan site kaya medyo naghahanap talaga ako ng isang outlet para mailabas ang aking addiction sa pagbibigay ng opinion sa internet.

Katagalan, ang tambayan na ito ay parang naging "letter to my students." Nandiyan ang pagdiscuss ng unang araw ng bawat semestre, pag-spoof sa mga practice naming mga teacher, pagkukuwento kung bakit ko piniling maging prof imbis na ipagpatuloy ang aking propesyon sa corporate world, at pati na rin ang pagti-trip ko sa mga katawa-tawang pangyayari sa buhay eskwela.

Pero nitong nakaraang buwan, ang laki na ng ipinagbago ng content nitong tambayan. Nagsimula ito sa pagputok ng Gloriagate at mula noo'y nagmistulang political blog na ang aking tambayan. Sabi nga ng isang nag-comment sa aking chatterbox, bakit puro Gloria na ang laman ng aking blog? Totoo na may mga post na ako dati na may kinalaman sa politika, at sa totoo lang, nag-declare na nga ako na tatakbong senador balang araw (kung may senado pa), ngunit ito ay manaka-naka lang. Pero ngayon, ibang usapan na.

Kahapon ay umattend ako sa iBlog Mini Summit tungkol sa Gloriagate issue. Nandun sina Manolo Quezon, Jove Francisco, Janette Toral at marami pang Gloriagate bloggers. At dun ko naisip, is there no turning back?

Sa totoo lang, nahihirapan na akong mag-post ng non-political issue sa tambayan na ito. Kaya nga nung minsang nag-post ako uli ng tungkol sa buhay eskuwela, tungkol pa ito sa usaping tuition fee at sa interschool politics. Pero ang problema ko rin, sa dinami-dami na ng political bloggers sa Pinoy blogosphere, hindi naman ako makapagsulat kung wala na akong bago na masasabi o maibabahagi sa usapan. Kaya nga wala akong halos naisulat nitong nakaraang linggo. Kasi parang nasabi na nilang lahat.

Sa field ng marketing, merong tinatawag na konsepto ng positioning. Ano na kaya ang positioning ng Tambayan na ito?

3 comments:

paolomanalo said...

Baka puwede ka nang maghanap ng mga down line, o franchise, o di kaya'y original Tambayan merchandise. :p

Anonymous said...

kagaya mo ngcnabi ko s inyo.. y not maintain two blogs... one for your political ideas and one for personal one - EVAN

Anonymous said...

hanep, ganda ng tambayan mo tsong. walang ganito nung time namin. but as what one blogger suggested, it would be absolutely purrfect if u'll nav 2 sepret blogs for personal and political ideas.