June 24, 2004

A Blast From the Past: Biyaheng FEyUps

About two years ago, I had my first ever article published in Peyups. The article was titled Biyaheng FEyUps, and it's a reflection of my acceptance of a new stage in my life as I move from my old life in UP to a new life in the domain of the Tamaraws.

Looking back, not much has changed as I still enjoy my stay in Morayta, although I would admit that in a couple of years, I would most likely be on another "Biyahe", finding new places where I think I would be needed. Whenever I feel disillusioned, I always reread this article and I get to know my "purpose" once again.

So without further ado, here's Biyaheng FEyUps in its full uncensored glory. Hope you would enjoy reading it. :)

Biyaheng FEyUps
by: ErwinRafael

Matagal ang biyahe ko nuong kolehiyo. Mula Paco sa may Maynila, dalawang oras akong nagko-commute papuntang UP Diliman. Nakakatawa nga kasi akong taga-Metro Manila, mas matagal pa ang binabiyahe kaysa dun sa mga mag-aaral na nanggagaling pang Bulacan. Ang dami kong alam na puwedeng daanan, siguro mahigit sampung iba't ibang ruta. Useful ang kaalaman na yun kung gustong makaiwas sa baha, o kung gustong makaiwas sa nagra-rally, o kung may gusto munang daanang mall bago pumasok. Pero ang "standard" ko pa ring daanan, na siyang pinakamura din simula nang maging P4 ang pasahe sa jeep, ay ang daang San Andres-Taft-Quiapo-Espana-Quezon Ave. Memoryado ko na ang mga dadaanan dun, natatantya ko na nga kung gaano katagal matulog habang nagbibiyahe at hinding hindi na rin ako lumalampas sa mga bababaan ko.

Ngayon, araw-araw ko pa ring binabagtas ang rutang yun, pero kalahati na lang ang aking nadadaanan. Isang oras na lang ang biyahe ko. Bago pa man kami sumawsaw sa Quiapo underpass papuntang Morayta (kung saan ako naholdap nung kolehiyo), pumapara na ako. Ilang hakbang na lang mula duon ang aking bagong "tahanan". Tinubuan na kasi ako ng sungay ngayon. Isa na kasi akong Tamaraw!

Masalimuot kung paano ako napunta sa FEU. Nagsimula siguro yun pagkatapos kong grumadweyt, nung nasa review school ako. Weekender kasi ako, tamad pumasok araw-araw. Ibig sabihin rin nun, hindi ko nakasabay yung mga kasamahan kong taga-UP na binibigyan ng special treatment ng review school. Binibigay kasi sa kanila yung magandang schedule kung saan nandun yung the "best" reviewers, madalas weekdays, pang-umaga. Napunta naman ako sa isang masikip na classroom na walang magkakakilala, halos lahat ng magkakatabi ay galing sa magkakaibang eskuwelahan. Para kaming mga freshman na minamata ang mga katabi nung mga unang araw, nagtatantiyahan kung sino ang mukhang approachable at kung sino ang hindi.

Duon nagsimula ang aking interes na makilala ang ibang eskuwelahan at ang kanilang kultura. Nakakatuwa ang experience na yun. Humbling, lalo na pag dumarating ang oras na nagpapaturo ako sa isang kaklase na galing sa eskuwelahan na nilalait-lait ng mga taga-UP. Ngunit naging malungkot rin nung huli, kasi kahit na nakikita kong puspusan ang pag-aaral ng mga kasama ko, mahigit kalahati pa rin sa kanila ang di nakakuha ng lisensiya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Nakakainis kasi masisipag sila at matatalino. Karapat-dapat silang pumasa. Saan naman kaya nagkulang?

Nakonsensya ako dahil mas pinalad ako. Ano ba ang ibinibigay sa atin ng UP at karamihan ay nakakapasa sa mga board exams? Bakit yung galing sa ibang school na puspusan ang pagsusunog ng kilay ay hindi pinapalad? Mas matalino lang ba talaga ang mga taga-UP? Hindi! Mas marami pa siguro akong natutunan sa mga kasama ko sa review school kaysa sa natutunan nila sa akin. Hindi ko alam kung ano yung "X-factor" na nagbigay sa akin ng bentahe, pero kung anuman yun, gusto kong maibahagi yun. Dun nagsimulang maglaro sa utak ko ang ideyang magturo sa ibang unibersidad. Malay mo, makabawi man lang ako.

Makalipas ang isang taon, nabigyan ako ng oportunidad na isabuhay na ang ideyang yun. Pinakalat ko kasi ang aking resume sa sangkatutak na eskuwelahan pagkatapos kong mag-resign (out of disillusionment) sa isang firm sa Ayala - "Home of the biggest Filipino crooks!". FEU ang nauna sa mangilan-ngilan lang na tumawag sa akin. Matagal-tagal ko ring pinag-isipan, pero mabagal kasi ang ibang mga unibersidad. Malapit na ang pasukan, hindi pa rin minamadali ang pag-schedule ng mga interviews at teaching demos ko. Dahil baka mawala ang oportunidad, sumakay na ako sa likod ng Tamaraw (hindi FX!), kumapit sa sungay at sinabi kay Nicanor Reyes (sumalangit nawa), "Kayo na po ang bahala sa biyahe ko!"

Maayos naman ang naging pagtanggap sa akin. Pero na-culture shock pa rin ako. Ibang-iba kasi ang pakiramdam sa loob ng FEyUps kumpara sa Peyups. Ang unang shock ko ay nung ibigay sa akin ang aking teaching load. Nung nilabas ang aking sked, sabi ko sa sarili ko "Bakit parang ang dami namang nakasulat?". At dios mio, ineng, marami ngang nakasulat! 24 units! Walanghiya, nung nag-aaral nga ako, hanggang 18 units lang, ngayon pang magtuturo ako, naging 24 units ang load ko! Siyempre di ko gaanong pinakita, pero umiikot-ikot pa rin ang utak ko pagkatapos kong makuha ang load ko. Nahimasmasan lang ako nung sabihin sa akin na ganyan pala ang norm sa halos lahat ng kolehiyo sa Pilipinas. Sa UE nga daw (tsismis lang!), umaabot ng 50 units ang load ng mga prof! Buti na lang hindi ako duon natanggap! Baka nag-resign ako unang araw pa lang!

Pagdating sa estudyante, OK naman. Inaamin ko na nung una kong pasok ay medyo kinabahan ako dahil akala ko'y tulad sila ng mga nai-stereotype na nakakatakot na college students - tamad, magulo at delinkwente na para bang puro taga-Row 4 sa Iskul Bukol. Marami nga akong na-handle na ganung tipo (lagi kong pinagdadasal na block section ang ibigay sa akin at wag free section!), ngunit mas marami pa rin naman ang matino at nag-aaral. Medyo umulan nga ng ruler grades nang matapos ang unang sem ko! At masaya, walang ere ang karamihan ng mga bata dito, di tulad ng mga estudyante sa ibang private schools. Marahil ay dahil hindi naman yung upper-class "St. Benilde and UA&P demographic" ang target population ng FEU.

Madalas sabihin na ang UP ay isang microcosm ng Philippine society, dahil dito nagmi-meet ang halos lahat ng uri ng taong matatagpuan mo sa Pilipinas. Wala pa rin akong tutol diyan, pero sa FEU ko mas nakita ang representasyon ng karamihan ng mga kabataang nandito sa siyudad na kinalakihan ko. Pag nagtuturo ako dito, di ko mapigilang maalala ang aking mga kapitbahay. Ang aking mga nakakasabay sa jeep pag nagbibiyahe. Yung mga nakakasalubong ko sa mall. "Sila" ang tinuturuan ko. Minsan tuloy, naiisip ko na ang nakikita ko sa FEU ay mas accurate na depiction ng stado ng mga tipikal na mag-aaral sa kolehiyo sa ating bansa.

Magaganda ang mga alaalang iniwan ng aking unang batch. Wala pang kalahati sa kanila ang natandaan ko ang pangalan (e halos tatlong daan ba naman!), pero pihado na pag makasalubong ko ang isa kong estudyante, may maaalala akong nakakatuwang karanasan. Mga di-makapaniwalang ekspresyon pag pumapasa sa exam. Mga pagpasipsip at pagpapa-tutor. Mga pagkukuwento ng mga problema. Mga tangkang pagkokopyahan at ang mga ngiti pag pinapayagan ko na silang mag-"group work". Mga walang tulugang paggawa ng feasibility studies nila na hindi naman ako ang nagtuturo, at pati na rin ang pakikipag-away sa mga panelistang kumatay sa feasib nila. Mga sagutan, pilosopohan, barahan at parinigan habang nasa classroom. Masaya! Talagang isa na siguro sa pinakamasaya't fulfilling na karanasan sa buhay ko.

Siguro'y kung may iaangal man ako sa mga "anak" ko rito, medyo mahina lang sila sa "diskarte". Malaking kakulangan din yun kasi natuklasan ko na ang diskarte at hindi ang academic subjects na natutunan natin ang magdadala sa atin sa isang successful career path. Marahil ito na yung "X-factor" na tumulong sa aking pumasa sa board exam. Mga estudyante kasi dito ay hindi gaanong nabibigyan ng oras "to live life" dahil bugbog nga sila sa dami ng subjects. May panahon na napipilitang maging kabisote. Paano mo nga naman maiiwasan, e kung walong major exams sa walong unrelated subjects ang kailangan mong kunin sa loob ng tatlong araw at tatlong beses pa iyun mangyayari sa isang semester (prelim, midterm, finals)?! Kahit siguro ako mawiwindang! Naku, hindi lang pala "siguro". Tiyak palang mawiwindang ako!!!

Walanghiyang windang! Naalala ko tuloy ang sangkatutak na papel na kailangan kong checkan. WWWWWAAAAAHHHHHHHH!!!!

Sa puso ko, alam ko na ako pa rin ay isang batang Peyups. UP Naming Mahal pa rin ang kakantahin ko at hindi ang FEU Hymn. Pero nagkaroon na rin ng puwang sa puso ko ang aking bagong tahanan. Sa totoo lang, apektado na ako pag ang FEU ay nakukutya, lalo na kung ang problema ay sa perception lang. Malaki kasi ang perception problem ng unibersidad na ito. Hindi miminsang ginusto kong basagin ang screen ng computer ko kapag nababasa ko ang ilang surveys sa mga MBs sa internet at may magbibigay ng negative rating sa pagtuturo rito (hindi lang mababa, negative "below zero" talaga). Para bang pinapalabas na nabobobo pa ang mga estudyante namin, imbis na natututo. Sa nagbigay ng rating na yun, putang ina niya! Susungalngalin ko siya pag nakita ko!

Sa ngayon, marami pa rin ang naaaliw at nagugulumihanan pag naririnig nila ang aking napaka-positive na outlook sa pagtuturo sa FEU. Bakit daw ako masaya na nasa FEU lang? Madalas na tinatanong sa akin kung bakit di na lang ako magturo sa mga "standard" schools tulad ng DLSU? Sa PLM? Sa PUP? At ang pinakamadalas, bakit hindi na lang ako bumalik sa UP? Nung umpisa ay nagkaroon rin ako ng ganyang mga tanong. Sa totoo lang, naglalaro pa rin ang mga tanong na ito sa aking isipan paminsan-minsan. Pero sa tuwing pagpasok ko sa mga classrooms, nawawala ang mga tanong. Nakikita ko ang mga matang nakatutok sa akin. At nagiging malinaw na sa akin kung bakit nasa FEU lang ako.

Sana dumating ang araw na hindi na ako tatanungin kung bakit ako nasa FEU lang. Sana dumating ang araw na ang mga estudyante dito, hindi na sasabihin na sa FEU lang sila nag-aaral. Sana dumating ang araw na ang mga employers, hindi na tatanggihan ang mga grads na galing lang sa FEU (kasi UP, DLSU at Ateneo lang ang "magaling"). Sana dumating ang araw na ang Biyaheng FEyUps, at ang lahat ng biyahe ng iba pang mga kolehiyong sumeserbisyo sa mga kabataang nangangarap, ay makakayanan na't hindi na mahihiyang makipagsabayan sa Biyaheng Peyups na ating nasakyan.

Wow. Parang ang lalim naman ng sinabi ko! Naalala ko na naman tuloy ang aking tse-checkan na papel. Hay naku... :)

10 comments:

Anonymous said...

I've been wondering why you have chosen FEU to show your innermost talent. Now I know why. Ibang klase ka talaga pre. Iboboto kita sa 2016. It's good to have a colleague in the Senate, someone whose sensible enough to think of others first before self interest (when thinking of public office)

Anonymous said...

c ermin ulit..:)

lupit mo sir...you should write more of these articles, compile them and publish it...i'd call it "Paeng Unlimited"...joke lang sir. pero seriously, this is really good, napaka-insightful mo pala.

on second thought...baka makatulong sa senatorial bid nyo yung suggestion ko hehe...boto ko kayo.

Anonymous said...

been a student of sir paeng and i once asked myself y waste his time and talent sa feu if he'll be compensated better in other universities.well ang masasabi ko lang...iv never seen a professor more devoted sa pagtuturo than sir paeng.isa syang dakilang professor.sana lahat ng prof sa feu ay gaya nya.
nakakatouch naman ung article.sir..one day ung mga natulungan mong estudyante siguradong babalik sayo at sasabihing...ur d best professor!!!(a student from ur former bsa class,batch 2005)

Paeng said...

^ thanks for the kind words! sino ka? :) hehehe.

inah said...

thank you very much sir!!!!!!!!!!!!

jhoana said...

^ thanks for the kind words! sino ka? :) hehehe.


jhoana lynne miguel po.dati nyung estudyante

Anonymous said...

sir spibus2

Sir, di ako sumisipsip sa inyo o anuman pero ang galing nyo plang sumulat. bkt di nyo itry na sumulat ng libro katulal ni bob ong. =) sinave ko pa nga sa ms word 2ng article nyo, very inspiring kse. 220 un cnabi mo na d2 sa feu mkkta ang mga totoong estudyante di katulad sa uste na sobrang arte ng mga studs, pero dti akong thomasian kya alam ko. Frm elem. 2 college kya lang nagloko kya nasipa (ouch). Ur one of the best professor that ive'd met in my entire lyf. di ako sumisipsip ok. sana kayo pa din prof. nmin sa AUDITING.

Anonymous said...

sir ang bangis nyo po!!! ur d man!

galamay

myra carpio said...

parang may kumurot sa puso ko after reading this, galing din kasi ako sa FEU. sabi ko na nga ba hindi pa kita masyado kilala. totoong tao ka nga.. saludo ako sa iyo Senador Paeng..

myra

Anonymous said...

YOU'RE THE MAN! :D