August 16, 2005

Ang tagapagligtas

Maraming nagsasabi na ang pataas na pataas na presyo ng langis at ang maaaring pagbagsak ng ekonomiya ang magiging dahilan sa pagkaalis ni GMA sa Palasyo. Sa tingin ko naman, baligtad. Ang pagtaas ng presyo ng langis ang siyang "magliligtas" kay GMA.

Maraming mga Pinoy kasi ang mataas ang risk-aversion, lalo na ang middle forces at ang nasa business community. Nung kasagsagan ng Gloriagate scandal, "on the brink of collapse" na talaga ang Malacanang. Pero dahil sa pag-peddle ng argument na "Sino ang papalit?" at sa kawalang kasiguruhan sa magiging sagot rito, nakatagal pa ang administrasyong GMA. Nakaligtas pa ang admin dahil sa maraming mga Pinoy ang takot sa uncertain na future.

Ngayon, dahil sa hindi na ma-predict na pagtaas ng presyo ng langis sa world market, tumataas ang level of uncertainty lalo na sa ekonomiya. Dahil dito, mas magiging conservative ang mga tao sa pagdedesisyon, lalo na sa malalaking bagay. Kaya dadami pa lalo ang mga Pinoy na hindi susugal sa pagpapalit ng administrasyon hindi dahil sa umaayon sila sa palakad at sa moral ascendancy ng gobyernong ito ngunit dahil sa takot sa kung anong mangyayari kinabukasan.

Knowing the political operators of GMA, na may tendency na kumuha ng suporta hindi sa pagbandera ng merits ni GMA kundi sa pamamagitan ng pagpapakalat ng "takot" sa alternative, tiyak ako na ipu-push nila ang argument na ito. At marami naman silang mauuto.

Nakakainis, pero ito ang nakikita kong maaaring mangyari. Sana mali ako.

1 comment:

p.a. said...

kuya, tama siguro ang analysis mo. sa dami ng pinagdaanan ng pilipinas, sa mga coup attempts at mangilang edsa, natatakot na rin ang tao at hindi na nagpapadala sa tulak ng masa.

naniniwala ka ba na dapat ng palitan si gma? sino nga ba ang papalit?