August 31, 2005

Garapal, kapalmuks...ano pa bang bagay na adjective?

Umuwi ako na masayang masaya pagkatapos manood ng magandang anniversary show ng KONTRA-GAPI. Tapos, BAD TRIP na balita lang pala ang dadatnan ko sa bahay.

Ang hinihingi lang naman natin ay isang patas na laban. Sabi ni GMA, dalhin ang reklamo laban sa kanya sa kongreso. Pero ano itong ginagawa ng administrasyon? They are throwing everything EVEN the kitchen sink para patayin ang impeachment complaint without even allowing the evidence to be laid on the table.

Ang mas masahol pa, sana pasimple man lang ang pagpatay na ginagawa nila. Pero GARAPALAN. Hindi na nahiya. Ayoko nang banggitin dito ang mga pangyayari, basahin ninyo na lang sa INQ7, blog ni Manolo, at blog ng PCIJ.

Sabi nila, ang pikon, talo. Mga hipokrito. Nung Erap impeachment, may pa-walkout walkout rin kayo. Tapos ngayon kakasuhan niyo pa ang mga nag-walkout ninyong kasamahan ng improper conduct?

Hindi raw sila nangre-railroad, pero nagbotohan pa rin sa "prejudicial question" kung hiwalay bang complaint ang amended complaint sa original Lozano complaint kahit na wala nang opposition na naiwan sa session. Ang usual na ginagawa pag may ganitong issue ay hintayin munang lumamig ang ulo ng kabilang panig at pagkatapos ay saka kausapin. Ang tawag diyan ay diplomasya. Pero hindi, tinuloy pa rin ang botohan kahit na magmumukhang lutong makaw kapag tinuloy. Hulaan ninyo kung ano ang naging resulta.

Kailangan pa bang i-memorize iyan?

Sana ipublish ng PCIJ ang mga pangalan ng mga members ng Justice committee na bumoto in favor of treating the amended complaint as a separate complaint. Para alam natin kung sinu-sino ang mga KAPALMUKS.

2 comments:

Anonymous said...

yesterday on my way home eh sobrang traffic s bandang congress un pla eh nagtatalo ang marami. nakakainis lng tlga kc ang kakapal ng mukha ng mga administrasyon, tama k cnabi nga ni gloria n dalhin s congress kung ano mn ang reklamo pero ano ginagawa nila... nakakainis tlga! ang kakapal tlga ng mukha!

Anonymous said...

teka teka teka... di ba pag sinabing amended its already a brand you argument, since the first would be "disposed" as treated by the court...