June 18, 2004

Mga Kilabot ng Kolehiyala

Yay, after gracing the pages of psychicpants, here is my controversial article, Mga Kilabot ng Kolehiyala. Based on my feverish imagination. :)

Tatlong semestre na akong nagtuturo, at nahihiwagaan pa rin ako kung bakit tuwing encoding ng grades, bigla na lang nawawala ang mga kasama kong propesor sa university. Ang akala ko noon, tinataguan lang yung mga hinayupak na estudyanteng makukulit. Hindi pala. Nung isang linggo, nakatanggap ako ng text sa isang kasamahan na itatago na lang natin sa pangalang Oscar Jerome. Nagtext siya: WAT R U DOIN 2NYT? JOIN US LETS SING VJO-KE. 8 PM S SANDRAS.

Deadline na ng pasahan ng grades bukas at nagyayaya ng videoke? Pero sige, pumunta na rin ako. Mahirap tumanggi, sabihin pa wala akong pakisama. Nagdala na lang din ako ng class record para "hitting two birds with one stone." Kung si Oscar Jerome yun, "hitting two stones with one bird."

Nagulat ako. Halos kalahati ng faculty ng university nagvi-videoke! Dito pala sila nagpupunta kapag mage-encode na ng grades. Pero...bakit?

"Raffy! Akala ko di ka na darating," sabi ni Oscar Jerome sa akin. "Upo ka, samahan mo kaming kumanta."

"Ehehe...sige, kayo muna. Tapos na ba kayong magcompute ng grades?"

"Naku, malapit na akong matapos. Minamalat na nga ako, eh."

(minamalat?)

"Oy, Raffy, give me a name," sabi nung isang propesor na si Chris.

"Aaaaaa....nong pangalan?"

"Your student," sabi ni Chris. "Your student's name. C'mon, kahit sino."

"Uhm, si Ana. Ana Marie Francisco."

"Ana, the cute girl!" Napaisip si Chris. "What's the next song?"

"Sometimes When We Touch," sabi ni Oscar Jerome.

"Olrayt!" sabi ni Chris. "O, Raffy. This song is dedicated to Ms. Ana Marie Francisco. 'You asked me if I love you, and I choked on my reply...'"

(fast forward)

"GREAT! YOUR SCORE IS 91!" sabi ng videoke.

"Not bad!" sabi ni Chris. "O pare, list down Ana's grade. 91 daw. Is that equivalent to 1.5?"

"Tama, 1.5." sabi ni Oscar Jerome. "Sayang, akala ko 1.25 na."

"Wait-a-minit, kapeng mainit! Ginagamit niyo yung score ng videoke para mag-compute ng grades?" (Hindi ako makapaniwala!!!)

Si Chris: "Why not? Who says we can't enjoy ourselves while working?"

"Pero...unfair yan!"

Si Oscar Jerome naman: "Pare, di ba galit ka sa mga taong grade-conscious? Ikaw na rin nagturo sa akin, and I quote: 'It's not the grade that's important. It's what the kid has learned that matters.' Aanhin mo ang mataas na grade kung wala ka namang natutunan? Grades are just numbers. Basahin mo yung ABNKKBSNPL Ako ni Bob Ong..."

"That's correct!" sumali si Chris. "By opening ourselves to the possibility that we can get a low score, we are actually countering the phenomenon of grade inflation which is currently threatening to ruin the college education system."

"Baliw...mga baliw kayong lahat!" sabi ko.

"Sige, bahala ka...ilang sections pa ba yang ico-compute mo?" tanong ni Oscar Jerome.

"Uhm...ehehe...tatlo pa."

...

...

...

"Mga kanta ni Basil Valdez meron kayo?"

"Opkors! What song do you want?

"Tuwing Umuulan At Kapiling Ka. And I dedicate this song to my favorite student, Ms. Whena Tapispisan..."

Sa sumunod na section, nag-Ric Segreto (Kahit Konting Pagtingin, Don't Know What To Do, Give Me a Chance) Tapos humataw sa Rey Valera (Sinasamba Kita, Malayo Pa ang Umaga, Sorry, Puwede Ba?, Ayoko Na Sa Iyo). Masaya pala! Sana next semester, meron na silang Ariel Rivera para makanta ko na yung Ayoko Na Sana.

4 comments:

Anonymous said...

PI! talga yung prof. na ganyan.hayup!wat if pangalan ko ang naisip ng gagong prof na yun,at malasing maging 75 ang score sa vdke!shit!maganda na rin sana kung nsbi mo yung real name ng prof na yun...para magawan ng paraan.aba!hindi nga importante ang grade kundi yung napag-aralan...totoo!pero sasayangin mo naman pagod ng magulang,kung uuwi ka at ipapakita ang grades mong bagsak.a ewan!
paeng saludo na sana ako kaso nki-jamming ka pa sa kanila.although,naintndhan kita,way nga naman yun para khit papano hindi ka masabihan na KJ.
Good luck!

Anonymous said...

Hey Paeng, si Paul Catiang 'to. Matagal ko na ring hindi nabasa 'tong blog mo. Wow, sana pala nag-videoke yung mga prof natin!

Good luck na lang sa pag-awit mo, hehehehehe.

Paul

PS
Raffy?

Paeng said...

Raffy is my name when I wear a frigging body hugging shirt.

And you won't find me wearing a frigging body hugging shirt. :p

Oy, hindi ako nakiki-videoke ha. sabi ko naman sa inyo, this is a work of fiction. LOL!

Anonymous said...

Hi Raffy!