August 10, 2005

Sana may probinsiya

Noong Lunes nang gabi kami nakabalik mula sa Pagsanjan, Laguna. Dalawang araw kasi kaming nag-leadership training sa La Coronoa Resort. Dahil sandali lang naman ang aking papel sa seminar, karamihan ng oras ko ay napunta sa pag-enjoy sa mapunong kapaligiran.

Bilang isang Manila boy, bihirang bihira ko talagang maranasan ang ganitong simple existence. Ang tahimik, pero ito yung masayang klase ng katahimikan. Naalala ko rin tuloy nung ako ay nagpunta ng Isabela noong nakaraang taon. Dahil sa ganitong klaseng mga trip ay napapadasal tuloy ako na sana mayroon akong probinsiyang inuuwian.

Tumambay ako sa pampang ng ilog ng Pagsanjan. Dito talaga ako natuwa nang todo - sa pakikinig sa tahol ng aso na nage-echo sa bundok, sa panonood ng mga bangkero, at sa paglanghap ng sariwang hangin na pang-umaga. Sa sobrang tahimik, narinig ko pang nag-uusap ang mga taong nasa kabilang pampang.

Kaya nga lang, bigla na lang may nagbukas ng radyo sa isang malayong bahay na ang tugtog ay "Through The Fire" ni Nina. Nasira tuloy ang araw ko. Buwiset.

1 comment:

inah said...

hahaha! napatawa niyo ako dun ha, ung tipong nag-iimagine k n kung ano ung mga nkita niyo at mga naranasan niyo dun tpos dahil "through the fire" ni nina nasira ang lahat... hahaha. !!! :-)