August 31, 2005

Expert opinion

Ano kaya ang purpose ng pagkonsulta sa mga "legal luminaries" kung wala ka namang intensyon na makinig? Ang tanong na ito ay naglaro na sa aking isipan noon pang July nang magdebate ang House of Representatives kung puwede bang pakinggan ang mga Garci tapes sa kanilang special session. Lahat ng inimbitahan nilang legal luminaries, na kinabibilangan ng iba't ibang Deans sa mga law school, ay nagsabi na puwedeng pakinggan. Pero nagdebate pa rin at nagtagal pa bago magdesisyon ang Kongreso na puwedeng pakinggan ang Garci tapes.

Ngayon naman, kahit na walang direktang kinokonsulta ang Kongreso, kaliwa't kanan ang paglabas ng opinyon na iba ang impeachment complaint sa impeachment proceeding. Na hindi hiwalay ang amended complaint sa original complaint dahil ito ay suppletory naman. Kasama sa mga nagsasabi ang Dean ng College of Law ng UE, ng FEU, at ng UP Diliman. Kasama rin sa mga nagsasabi ang iba't ibang law professors kabilang na ang isang author ng libro tungkol sa impeachment. Kasama na rin si Fr. Joaquin Bernas na isang constitutional expert. Ayon nga sa kanila, mas "legally tenable" ang argumentong susuporta sa posisyon ng pro-impeachment solons.

Pero hindi pa rin nakinig ang majority sa Kongreso. Ang pinili nilang pakinggan ay ang paliwanag ng private prosecution team ng pangulo. Ang nakakatawa pa, sila na gamit nang gamit ng "rule of law" noon, sinasabi naman ngayon na dapat maintindihan ng minority na ang impeachment ay political process kung saan ang masusunod ay ang will ng majority.

Kung ganito lang ang patakaran, wag na tayong magkonsulta sa mga experts. Hayaan na lang natin ang tyranny of the majority.

3 comments:

Anonymous said...

yun nga ang napapansin k s congress, they keep on saying n dpat sundin ang rule of law pero sila mismo ay hndi ginagawa un. dapat s iba n nsa congress ay pinag-aaralan muna tlga kung ano ang mga rule of law bgo sila mgsalita ng hindi cla ngmumukhang tanga...

Anonymous said...

some of our congress people doesn't really know the law... a kaya dapat sa kanila eh mag aral ulit ng law....

Anonymous said...

Ang sa akin nmn, npatunayan lng kung gano katalino ang mga nahalal na officials sa congress...see how they can lie.. it's jst so easy for them to hide the truth (magkano ba?).. Alm nila kung san sila papanig, kapalmuks nga tlga. At gumgamit pa ng salitang "Rule of Law". Cnong niloko mo.

At di lng yan sa Congress nangyayayri, may lipatan na rin sa senado. AT ang dapat sna ay titimbang ng katotohanan, di pa man e may hatol na.
WOW...eto ba ang mga pinapasweldo ng mmamayan..Wla na ngang vision for the country, wla pang values!!! Nampoo.. pag ganyan, i-boycot na ang pagbabayad ng tax..