June 11, 2005

Wala na bang iba?

Kasalukuyan akong nasa loob ng FEU. Sa labas, trak trak na ang pulis. Naghahandang harangin ang kung sinuman na magtatangkang magmartsa't sumugod sa Malacanang.

Noong 2001, sumugod ako sa EDSA dahil naniwala ako na walang karapatang maging pinuno ng isang bansa ang isang morally bankrupt na leader. Ang hindi ko kinonsider noon, dapat ay siniguro rin na ang papalit ay isang taong may moral ascendancy. Dito kami nagkamali. Ang pumalit kay Erap ay isa ring ganid, kung hindi man mas ganid pa. Nasayang lang ang mga pangarap noong EDSA.

Ngayon ay nasa isang vulnerable na posisyon na si GMA. Mukhang hinog na ang pagkakataon para ma-exorcise na ang Pilipinas sa kanyang masamang pamumuno. Ngunit ako ay naga-alinlangan. Paulit-ulit kasing nagtatanong ang aking isip - sino ang papalit? Si Noli na may questionable na character at competence? Ang puwersa ng oposisyon na pinatalsik na noon dahil sa pagiging morally bankrupt? Ang military junta na sabik na sabik na makabalik sa posisyon ng kapangyarihan na kanilang hinawakan noong Martial Law?

Sino ang papalit?

Wala na bang ibang mapagpipilian?

2 comments:

kero said...

ako rin sumugod noong 2001. buong pagaakala ko, magiging ayos na ang lahat. pero ngayon, ayoko na. di na ko makikirally. ganon din naman eh. kahit sinong ipalit, ganon pa rin ang mangyayari. paikot-ikot lang. lagi na lang 'the lesser evil who would turn out to be the most evil'.

totoo pa rin talaga ang kwento ng "the ogre who never dies" na nabasa ko nung bata pa ko sa column ni larry henares sa inquirer. hay nako...

Anonymous said...

Si Eddie Gil! hehehehe jokejoke joke..
kahit sino ipaliit ganun parin gagawin ng mga hinayupak na mga yan!! minsan naiisip ko wala nang halaga na ang Boto ko kasi dinadaya lng pala taris!! EDSA nakakasawa na rin! parang show na lng sya..pag Pumutok EDSA again sino sino makikita mo...mga taga oposistion..so ganun din!Taris