June 2, 2005

Second-Class

Bakit kaya parang ang baba ng tingin ng lipunan natin sa mga guro?

Mga dalawang buwan na ang nakakalipas, nagsulat si Neal Cruz ng article sa Philippine Daily Inquirer na pinamagatang "Professors are victims of academe inbreeding" (PDI, 04/01/2005). Sinulat ito ni Neal bilang reaction sa papel na isinulat ng UP 11 na na-misconstrue bilang pagsuporta sa VAT bill na sinusulong ng administrasyon. Ayon sa kanya:

"As a career journalist, I know that many journalism professors won't even make the grade as reporters in good broadsheets. The good journalists are too busy with their jobs to waste time teaching, so it is those who don't make the grade that are reduced to teaching. This is not only my opinion; ask any reputable working journalist and he will have the same opinion. (That is why I have rejected many offers to teach journalism.) If that is true with journalism professors, it must also be true with economics professors."

Tatlong taon na akong full-time na nasa academe, kaya nang mabasa ko itong unfair generalization sa mga professors, talagang nainis ako. Nagpadala pa nga ako ng reaction sa Philippine Daily Inquirer, hindi nga lang na-publish. Hindi ko maisip na isang respetadong manunulat ay magkakaroon ng ganito kababang pagtingin sa mga gurong malamang ay malaki rin ang naiambag sa kanyang pagkatuto ng mga bagay na nagagamit na niya ngayon sa kanyang propesyon. Totoo namang "experience is the best teacher," pero ang laking kahambugan naman na sabihin na ang mga taong piniling propesyon ay ang pagtuturo ay "those who can't make the grade."

Bakit binuksan ko na naman ang isyung ito gayong dalawang buwan na mula nang lumabas ang article na ito ni Neal Cruz? Nito kasing nakaraang linggo, lalo akong namulat sa second class treatment sa aming mga nasa academe, lalo na sa kaso naming mga nasa business school. May isa kasi akong kaibigan na lumipat mula sa academe para magtrabaho sa isang multinational company sa Ayala. Ayon sa kanya, hindi raw binigyan ng weight ang kanyang ilang taong karanasan bilang isang full-time na guro sa pagtakda ng kanyang ranking sa loob ng kumpanya. Puwede palang mangyari na pumasok ako sa isang kumpanya at itatrato akong ka-level lang ng mga estudyanteng minsan ay ako ang nagturo kasi wala namang bearing yung pagiging guro ko.

At hindi lang sa industry makikita ang second-class treatment sa mga guro. Ang nakakalungkot ay makikita rin ito mismo sa academe. Kaming mga guro ay tumatanggap ng sweldong di hamak na mas mababa sa sweldong makukuha namin kung kami ay nagtrabaho na lamang sa industry. Paano nga namang hindi mai-stereotype kaming mga guro na subpar kung ganitong subpar rin ang pag-value ng mismong mga unibersidad sa aming serbisyo?

Nalulungkot ako pag tinatanong ako kung bakit daw "nagsasayang" ako ng panahon sa pagtuturo gayong marami naman daw mas magandang oportunidad sa labas. Pagsasayang lang ba ng panahon ang pagpipilit kong ipasok sa isip ng ilang daang kabataan kada semestre ang mga kaalamang dapat gamitin nila paglabas nila ng unibersidad? Indikasyon rin ba ito na tinuturing lang natin ang pagpasok sa paaralan na pagsasayang lamang ng oras? Ang binabayaran lang ba natin sa eskuwela ay ang diplomang magiging susi sa ating pagkuha ng trabaho at hindi ang kaalamang ipinapasa sa atin ng ating mga guro?

Madalas, inaakusahan ng mga industry professionals ang mga guro na second-class dahil irrelevant naman daw kami. Ibang-iba daw ang itinuturo namin sa eskuwela kaysa sa nangyayari sa totoong buhay. Ayon nga sa sinabi ni Neal Cruz kanina, biktima daw kami ng "academe inbreeding" kaya hindi kami mulat sa mga totoong nangyayari. Ang hindi nila alam, sa pagkutya nila sa amin, ang kinukutya rin ng mga taga-industry ay ang mga sarili nila. Dahil karamihan sa aming mga guro ay nanggaling rin sa industry, at kami ay nawalan lamang ng gana sa mga "unscrupulous practices" na nangyayari sa totoong buhay. Kaya kami bumalik sa academe ay dahil gusto naming matututo ang mga bata ng tama at ng nararapat, hindi ng praktikal na naging resulta ng "culture of compromise, accommodation and promotion of self interest." Sa totoo lang, nakakalungkot isipin na sa isang tulad kong accountant, ang tanging lugar lang kung saan mapa-practice ko ang aking propesyon na hindi nakokonsensya ay sa academe.

Ano ba ang kailangang mangyari para hindi ituring na second class citizen ang katulad kong piniling maging guro? Kailangan ba kaming maging mas relevant at maging mas attuned sa mga nangyayari at pina-practice sa totoong buhay? Ano ang ibig sabihin nito? Gusto ba nilang ituro namin sa eskuwelahan kung paano mag-tax evasion? Kung paanong gumamit ng representation expense? Kung paanong tumanggap (at magbigay) ng suhol? Kung paanong mang-doktor ng libro? Kung paanong paaandarin ang padrino system? Ito ba ang "relevant" practices na gusto nilang ituro namin para patunayan na alam naman namin kung ano ang nangyayari sa "real world" at sa gayon ay hindi dapat ituring na second-class kumpara sa mga nasa industry?

May nakita akong signboard dati na nagsasabing "Teaching is the noblest profession." Pero sa kawalang pagpapahalaga at mababang tingin ng ating lipunan sa propesyon ng pagtuturo, di ko maiwasang isipin na kaming mga guro na lamang ang naniniwala sa kasabihang ito.

4 comments:

tannyboyastig said...

nakakalungkot naman yan sir..pero hindi bale,wala silang magagawa dahil determined ako na magturo kapag CPA na din ako..mahirap talagang turuan ang mga masyado ng marunong, they dont know na meron pa rin silang hindi alam.. :)in short sila ang walang natutunan..hehe..

Ilyn said...

Ha! Alam mo ba, sinabi ng kapitbahay namin sa Mama ko "Sayang naman yang anak mo, pinag-aral mo sa Maynila sa isang prestihiyosong unibersidad ng architecture para lamang magturo dito sa probinsya." Mayabang na kung mayabang pero sa tingin ko, ako, or ang mga katulad ko, ang kailangan ng mga estudyante ngayon.

At yan ang di naiisip ng mga tao... na bago sila makarating kung saan sila andoon ngayon ay dahil me mga taong nagpapakahirap me matutunan lamang sila para me marating sila sa buhay nila balang araw.

Isipin ba naman ang katwiran ng mga tao, pag di ka pumasa sa kolehiyo bilang estudyante ng commerce, engineering, medicine, etc., sasabihin nila e "mag-titser ka na lang". Ano ba yun? The best students should be the teachers in this country! And they should be duly compensated for it.

By the way, ako nga pala si Ilyn, lisensyadong arkitekto at asawa ni Gerry Alanguilan. Nice meeting you! :)

riadiosa said...

Naalala ko yung pelikula ni Alessandra na Munting Tinig. Bagong grad, idealistic. Tapos yung isa sa mga co-teachers niya may kapatid na doctor, engineer, etc. Pero nung tinanong kung bakit siya nagteacher ay dahil yun daw ang bagay sa kanya dahil siya ang pinakabobo sa mga magkakapatid. Sa role nung teacher e tanga talaga. San kaya nagsimula ang ganyang stereotyping?

gary said...

teaching is indeed the noblest profession, no doubt about that. they work hard to give the best to their students even sacrificing their time and efforts for their family (well, sometimes). it's sad they are paid less of what they deserve, specially the public school teachers. some really resort have business "sidelines" other than teaching to meet their family needs.

i've got a chance to teach in the province after taking the cpa examinations two years ago but i haven't grab the opportunity, my mind is not just set to teach thinking 1) my "students" will not understand the way i teach (a realization i got during the demo) and 2) i won't get any satisfaction with the job if ever i get in. i don't think i can be noble enough accept the challenge, shame on me indeed. :(

at hindi po bobo ang nagiging teacher, not even one of them is. for one, my math/science teacher during high school is someone i can be very proud of. she's one one compassionate and one of the best teacher we've got. and one of my vocational elective teacher then is the nicest guy being a best friend of his many students (huwag lang sagarin ang pasensiya niya). I am not saying this because their my parents but because it's true, many testimonies from their former students would really back me up for this no question about that. sure win sila sa amin kung papasok lang sila sa pulitika. Ü