June 17, 2005

(In)justice Secretary

(In)Justice secretaryAng modelo o personification ng hustisya ay isang babaeng nakapiring na may hawak na "balance". Isa itong metaphor sa konsepto na pantay ang pagtingin ng hustisya sa akusado at sa nag-aakusa.

Nakakaawa naman tayo at nagkaroon tayo ng isang Justice Secretary na isang mata lang ang may piring. Noong 2000, kasama siya sa pagrally-rally para mapabagsak si Erap. Nanawagan na mag-people power dahil sa isang envelope na di nabuksan. Nang makaupo na si Gloria, pinaglaban na "constitutional" ang nangyaring paglipat ng kapangyarihan.

Pero ngayon, ano ito? Pag may magrereklamo laban kay Arroyo, sasampahan niya ng "inciting to sedition." Pag may nagsasabing dapat magkaroon ng people power, nagbabanta siya na huwag gagamit ng ganitong pamamaraan na di constitutional. Pag may lumantad na witness ng corruption sa gobyerno, ang witness ang kanyang paiimbestigahan, hindi yung suspect. Kung noo'y gustong pabuksan ang envelope na di alam ang laman, ngayon nama'y ayaw ipakinig ang tapes na alam na natin kung ano ang laman.

"Just-tiis" secretary Gonzales. Ang epitome ng injustice.

2 comments:

Anonymous said...

Ganda Ng Shade nya, Bagay hehehe

inah said...

oo nga, parang wla n tayong karapatan n dapt cla lng lgi ang tama. parng mistula n nga tyong nsa martial law kung mkapagpigil cla eh