June 24, 2005

Paeng's Top 5 Comic-book Inspired Superhero Films

Pagkatapos ng kung ilang buwan, nakapanood uli ako ng sine kanina. Wala kasi kaming pasok bukas dahil sa Manila Day, tapos wala naman akong ginagawa. Nanood tuloy ako ng Batman Begins. At di naman ako nagsisi. OK ang pagkakagawa, faithful sa mature na presentation kay Batman sa komiks. Sa wakas ay pinurga na ang legacy ng Adam West na Batman TV series.

Nalungkot rin ako nung natapos na ang pelikula kasi yung paborito kong American comic book superhero, si Daredevil, ay pangit ang naging adaptation sa pelikula. Hay naku, kung nabasa niyo lang yung Daredevil na comic, lalo na yung mga kwentong sinulat nina Frank Miller, Kevin Smith at Brian Michael Bendis, dun niyo maa-appreciate kung gaano kaganda ang kwento ng character na ito. Dapat talaga patayin at ibitin nang patiwarik yung nag-adapt ng Daredevil na movie.

Tutal comic-book inspired superhero films ang pinag-uusapan natin, eto ang aking Top 5 na walang sawa kong uulit-ulitin.

Superman 25. Superman 2 - Ito ang paborito ko sa lahat ng Superman films. Ang plot nito kung saan iniwan ni Clark Kent ang kanyang superhero identity para magkaroon ng normal na buhay kasama si Lois Lane ay naging template na ilang ulit na ring ginamit sa ibang mga palabas tulad ng Darna at Spider-man 2. May makapag-portray pa kaya uli ng Superman nang tulad ni Christopher Reeve? Bad trip lang talaga rito yung ending. Ang korni ng pagkatalo sa kanyang tatlong kalaban, kainis.

rocketeer4. The Rocketeer - Bihira akong manood ng sine noong bata pa ako, pero isa ito sa mga iilan na napanood ko. Di ko nga alam kung bakit niyaya ko ang tatay ko noon na panoorin ito. Buti na lang kasi nakatiyempo kami ng simple pero "lovable" na pelikula. Ilang taon pa bago ko nalaman na inadapt pala ito sa isang comic book. Dahil sa pelikulang ito, ginusto kong lumipad. At maganda talaga si Jennifer Connelly. :p

batmanbegins3. Batman Begins - Ngayon, ito ang Batman na hinihintay ko!!! Ang sama kasi talaga ng epekto ng Batman TV show starring Adam West sa image ni Batman. Dapat si Batman, nakakatakot. At medyo psychotic. At bayolente. At sa wakas nandito na ang nakakatakot na Batman. Bitin nga lang, kainis. Gusto ko nang lumabas ang homosexual criminal na si Joker!!!

X22. X2: X-Men United - Ang pinakamalaking koleksyon ko ng comic books ay X-Men related. Kaya tuwang tuwa ako nung naging maganda ang on-screen adaptation nito nung lumabas ang X-Men noong 2000. At mas lalo pa akong natuwa nung ang sequel nito ay mas maganda pa. Naka-pattern ang kuwento nito sa "God Loves, Man Kills", isa sa mga paborito kong kuwento sa komiks. Mahusay ang ensemble acting, panira lang talaga si Halle Berry bilang Storm.

spiderman21. Spider-man 2 - The perfect comic book movie. Kuhang kuha ng pelikulang ito ang lahat ng mga elemento kung bakit si Spider-man ang isa sa pinakasikat na superhero sa komiks. Nandito yung love story. Yung mga exciting na action scenes. Yung mga down-to-earth na problema ni Peter Parker. Ang trademark na humor. At siyempre yung kakaibang level ng heroism ni Spider-man na pinakita sa scene na pinigil niya ang rumaragasang tren kahit halos mabali na ang kanyang likod. Hindi ako mahilig magbasa ng Spider-man na comic book, pero dahil sa pelikulang ito, napamahal na sa akin ang kanyang character.

3 comments:

1122 said...

Halos konti lamang ang pagkakaiba natin. Sa akin ay:

5. Blade: Sayang lamang at hindi nabigyan ng sapat na pagkilala ang creator ng Blade na si Marv Wolfman.

4. X2: X-Men United: May ilang sablay pero puwede na.

3. Spider-Man 2: Bibihira ang sequel na mas nagugustuhan sa orihinal, pero malayo ang narating nitong part 2 mula sa orihinal niyang pelikula.

2. Batman Begins: Tama, iyan nga si Batman--si Christian Bale. American Psycho.

1. Frank Miller's Sin City: Ito ay superheroic pa rin, at para sa akin, ang pinakamahusay na translation ng comic book sa pelikula. :)

1122 said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Paeng said...

^ kainis ka. di ko pa napanood iyang Sin City. balita ko marami raw cut yung pinalabas sa sinehan. hintayin ko na lang ma-release sa DVD (orig). :)