June 23, 2005

Katawa-tawa!!!

Sabi ni Conrado De Quiros, ang pinakanakakatawang mga pangyayari ay nangyayari sa totoong buhay. At oo, ang pinakanakapagpatawa sa akin ngayong araw ay isang totoong balita na ONLY IN THE ARROYO ADMINISTRATION mangyayari.

May isang lalakeng nagngangalang James na lumabas para mag-akusa na minolestiya siya ni Bishop Oscar Cruz. Bakla at silahis daw si Bishop at nagkaroon rin daw ito ng anak sa iba't ibang babae. Si Bishop raw ay tumatanggap ng pera sa pagbebenta ng drugs at jueteng. Kaya si James ay nagschedule ng press con dun pa mismo sa opisina ng CBCP.

Si Bishop Cruz naman, hinintay ang pagdating ni James. Nung natanaw na niya si James, sinabi pa niya sa mga reporters na "Padaanin niyo si James." Eto namang si James, dumaan lang. Nginitian pa si Bishop at meron pang konting kaway. May konting yuko rin na parang pagbibigay-galang.

Hmmmmmm?

Nang nasa loob na, nagdire-diretso na sa pag-akusa si James. Binasa na niya ang kanyang speech. At tuloy tuloy ang akusasyon habang NASA TABI NIYA SI BISHOP OSCAR CRUZ na nangingiti. Nang di na makapagpigil, tinanong ni Bishop "Di mo ba ako nakikilala?" At nandilat si James sa gulat. At inabot ng ilang segundo bago siya nakasagot, na "Opo."

Ano ba namang katangahan ito?!!! HAHAHAHAHA!!!

"Saan ba ako nakadestino nung panahon na iyon?" tanong ni Bishop.

Sagot naman ni James, "Hindi ko po alam."

Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa, nang i-deliver ni James ang kanyang punchline.

"Hindi po ako pakawala ng gobyerno.",

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

3 comments:

Anonymous said...

oo nga eh nabalitaan k din un, pra siyang sira, kc biruin m katabi niya ung inaakusahan niya... parang timang... halata n ginamit lng ung tao dba...

Anonymous said...

hahahahahahaha..nag lalabas sila ng bagung pag uusapan para mawala ang atensyon ng mga mamamayan sa wiretap scandal ni gloria...hehehehehehe style nila bulok!

Anonymous said...

hayup! nakakahiya. Marami talagang only in the Pinas. Kanina lang nandito na sa pinas si tarongon, magkano kaya binayad ng malakanyang para mapabilis ang paglaya nun. Sana lang hindi pera ng bayan ang ginagastos nila sa mga palabas nila. Waaaaaaaaaah nakakainis.