June 6, 2005

Unang araw na naman

Unang araw na naman sa eskuwelahan. Kinakabahan na naman ako. Ngayong semester na ito, maliban na lang kung maghimala na naman ang langit, sigurado na ako na bagong grupo na ng mga estudyante ang aking mahahawakan. Nito kasing nakaraang tatlong sem, isang set lang ang naging hawak ko sa apat na iba't ibang subjects. Pero ngayong sem, wala na silang pag-aaralang subject na pwede kong ituro, kaya sigurado na hindi na nila ako magiging teacher.

Mga bagong mukha at mukhang may bago rin akong preparation. Sanay na ako sa pangalawa, lahat naman ng sem ko laging bago ang preparation kasi hindi ako tumatanggi sa kahit anong ipaturo sa akin. Ang hindi ako sanay ay sa mga bagong mukha. Mababait kaya sila? Magiging "swak" kaya ang aking style sa kanila? Matatawa kaya sila sa aking mga jokes? Masipag kaya sila? Magsisipag kaya ako? Matututo kaya sila sa akin?

Hay naku. Makaalis na nga at makapasok na...

4 comments:

jhay said...

wag kayong magalala sir... kahit naman sinong turuan nyo tiyak na matututo...

Anonymous said...

bakit kapag ganito lang ang ituturo mo sir FC/uCM the best ka parin, kahit my internal at external analysis pa, kamukha ng exercises sa hand-outs na binibigay sa CPAR kaya ayos talaga... isang istudyante mula parin sa AC01402

Paeng said...

^ hehehe. di ko naintindihan :p

Anonymous said...

oo nga sir wag nyo nalang i-absorb basta bottom line nyan, versatile professor ka talaga, ang goodness of fit mo ay .99 isang istudyante mula parin sa ACO1402