June 29, 2005

Hindi ko maintindihan

Sa panonood ko ng mga reaksyon ng mga tao sa pag-amin ni GMA, ang pinaka-hindi ko maintindihan ay ang reaction ng mga businessmen. Kamping kampi kasi sila kay GMA. Hindi ko talaga maisip kung ano bang napapakinabangan nila sa pag-stay ni GMA sa puwesto.

Una, sabi nila na kailangan daw tayong mag-move on na para magkaroon ng stability sa ating ekonomiya. Pero sinabi na rin mismo ni GMA na siya ang dahilan ng divisiveness sa ating lipunan. Paano natin magagawang stable ang ekonomiya kung divisive figure ang namumuno sa atin?

Pangalawa, dapat daw nating hangaan ang tapang ng pangulo sa pag-amin niya na siya ay nakipag-usap sa isang COMELEC official sa panahon ng eleksyon. Ang tanong ko naman ay ganito. Sa kanila bang mga pribadong business, hahangaan ba nila ang kanilang CEO kung ito ay aamin na ninakawan niya ang kumpanya at pagkatapos ay magso-sorry? Di ba pipilitin nila itong mag-resign, ipapahuli sa pulis at idedemanda? Sa korte, ang admission ng guilt ay nakakapagpababa lang ng sentensya at hindi nagtatanggal ng parusa sa krimeng nagawa.

Ikatlo, malaking kasayangan lang daw ang public funds na ginagastos para sa mga congressional at senate hearings. Totoo na nasasayang talaga ang oras sa mga imbestigayong ito na "in aid of legislation" kuno. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit nung sinayang ni GMA ang kaban ng bayan dahil lantaran niya itong ginamit sa sariling pakinabang para mangampanya noong eleksyon, sila ay nagbulag-bulagan at nanahimik lamang.

Ikaapat, nakakatakot daw na magkaroon ng crony capitalism pag ang pumalit ay ang opposition. Pero hindi ba't sa ilalim ng GMA administration, marami rin naman siyang crony lalo na ang mga kaibigan ng kanyang asawang si Mike Arroyo?

Speaking of Mike Arroyo, punta tayo sa ikalima. Kahanga-hanga raw ang sakripisyo na gagawin ni GMA sa pagpayag na umalis si Mike para mag-exile sa America. Pero hindi ba ang polisiya ng GMA admin ay ang pagpromote ng pag-export ng labor sa ibang bansa? Bakit hindi nila bigyan ng pugay ang sakripisyo ng mas marami nating kababayan na nahihiwalay sa pamilya dahil kinakailangan pang makipagsapalaran sa ibang bansa para magkatrabaho?

Ikaanim, bumaba raw ang piso sa dolyar dahil sa statements na ginawa kanina ni Susan Roces. Bakit si Susan ang sinisisi nila? Hindi ba't nagsimula nang bumaba ang piso noon pang Martes nang umaga pagkatapos umamin ni GMA noong Lunes nang gabi? Bakit hindi si GMA ang sisihin nila?

Ayokong maging mapanghusga sa ating mga businessman. Malaki at importante ang kanilang papel sa ating ekonomiya. Pero hindi ko maiwasang isipin na may class discrimination na nangyayari dahil sa double standards na ipinapakita nila sa kanilang inaction ngayon kumpara sa kanilang pagiging proactive noong EDSA Dos. Bakit ang isang pangulo na binaboy ang pinakaimportanteng exercise ng demokrasya ay kanilang binibigyan ng benefit of the doubt, samantalang pag "makamasa" ang gumawa ng kasalanan ay binibigyan nila agad ng judgment?

Ang interes ba ng negosyo ay mas mahalaga sa interes ng bayan?

8 comments:

Victor said...

may double standards talaga yang mga elitistang yan. kainis!!

Anonymous said...

you should know the effects if business goes down dude.
halatang alam nila ang kanilang ginagawa na pagsuporta kay gma , dahil nakita nila ang epekto ng reforms.slowly but surely kung baga.
and its not that they are for gma , its just that there is no better choice.

Paeng said...

^ what reforms? reforms na hindi naman ina-address ang basic problem ng Philippine economy: redistributive injustice.

the problem is that the economic reforms are being implemented nout out of sincerity but out of self-preservation.

and believe me. we will be a laughing stock in the whole world for allowing a cheater sit as president just because she said sorry.

sa next election, free for all na ang pandaraya. pag nahuli, sorry na lang at ok na. yan ang ibibigay nating precedent pag tinolerate natin si Gloria.

Anonymous said...

"and believe me. we will be a laughing stock in the whole world for allowing a cheater sit as president just because she said sorry."

-since erap's time we have been a laughingstock ... because we change president like there's no law, we change president so quickly like a child having another tantrum.

"sa next election, free for all na ang pandaraya. pag nahuli, sorry na lang at ok na. yan ang ibibigay nating precedent pag tinolerate natin si Gloria."

can you say there's not one candidate in the last election that didn't make sure they get the highest vote ? and have you even considered the intentions of the wiretappers ? can you deny the fact that there has been improvements in our economic status under gma ?

nice blog here =)

Anonymous said...

^can you deny the fact that there has been improvements in our economic status under gma ? ha? paki tagalog nga d ko maintindihan? hehehehe meron bang improvement? ows riry? d nga talaga?mmm teka check ko lng ha..

Anonymous said...

Sir meron kang punto..baket porke ba gumaganda ecomoniya(kuno) eh dapat nlng ba isawalang bahala ang isyung ito? so ganun nlng ba? mababa na moralidad ng mga pilipino kung magkagayun..hay nako talagang merong double standard na nagyayari ngaun taris..

Paeng said...

"can you say there's not one candidate in the last election that didn't make sure they get the highest vote ? and have you even considered the intentions of the wiretappers ? can you deny the fact that there has been improvements in our economic status under gma"

uhm...palalampasin na lang ba natin ang isang lantarang nandaya dahil may assumption tayo na nandaya naman lahat?

for example, may proof ba na nandaya si Villanueva o si Roco? o assumption lang na pati sila nandaya nung eleksyon? eto, nahuli na. umamin na nga e. si Erap nga kinulong natin kahit di pa napatunayan na guilty siya (kahit obvious na guilty siya). eto, umamin na, hahayaan pa nating mamuno?

sa economic reforms, di ba nag-hit tayo ng pinakamababang value ng peso under the GMA admin? as well as one of the highest unemployment rates in recent memory? pati na rin yung one of the highest inflation rates in recent Philippine history? at lumalala nang lumalala ang ating inequality between the rich and the poor.

di ba sabi ni GMA wala tayong fiscal crisis? bakit nung pagkatapos ng eleksyon bigla na lang siyang nagsabi na may fiscal crisis nga? bakit ba lumaki ang fiscal deficit natin? madali lang sagutin yan. tingnan niyo ang biglang pagdami ng mga street sweepers na may PGMA shirts. tingnan niyo yung pagdami ng billboard na may picture niya. ginamit kasi sa eleksyon ang public funds. kaya si GMA ang isa sa dapat ring sisihin sa fiscal crisis natin.

sabihin na natin na may pumapasok na mga investments, lalo na yung sa mga call centers. sa totoo lang, papasok at papasok ang mga call center na yan sa Pilipinas dahil sa cheap labor at sa English-speaking skills natin, kahit na sinupaman ang nakaupong pangulo. kung yung China nga na kalaban politically ng US, pinapasok ng investments dahil sa cheap labor. kaya wag nating i-attribute sa GMA presidency ang pagpasok ng mga outsourcers. panahon pa lang nina Ramos at Erap, marami nang naga-outsource dito.

kumentaryo said...

Walang taong umamin ng kasalanan ang na abswelto... kaya kung ako sayo GMA mag resign kana lang... pwede.. ba..