June 20, 2005

Para sa mga mahilig mangopya

Madalas akong maglagay ng "Quote for the Day" sa aking mga handouts sa mga estudyante. Pinipilit kong ibagay sa lesson yung ilalagay kong quote, at natutuwa ako na nung ibigay ko ang aking unang quiz ngayong sem, bagay na bagay ang aking nakuhang quotation sa mga a) malakas mangopya, b) tamad mag-aral at c) umaasa lang sa kaibigan para makatapos sa college.

"What I hear, I forget.
What I see, I remember.
What I do, I understand."

- Confucius

Tandaan. Aanhin mo ang diploma, kung natapos kang walang natutunan?

2 comments:

Ilyn said...

Naalala ko nung college, meron akong kaklaseng mahilig magpa-photocopy ng notes ko from lectures. Pag bigayan na ng classcards, naiinis sya bakit mas mataas ang grade ko kesa sa kanya samantalang iisa naman daw ang notes na pinagaaralan namin. He even insinuated na paborito daw ako ng mga prof kaya raw maganda ang grades ko. Ininsulto na nya ako, ininsulto pa nya ang profs namin, at ininsulto pa rin nya ang sarili nya dahil para sa kanya tataas lang ang grade nya kung paborito lang sya ng teacher nya. Nakakaawa naman ang bata.

riadiosa said...

labs, di ba kulang yan? ang alam ko may kasunod pa: "What i teach i master" para naman sa mga teachers. Sinabi din sa amin yang nung nag-teacher training ako dati.