January 1, 2005

Bagong Taon Na...

Bagong taon na. Happy New Year na...

Bakit ba nasa internet ako ngayon?

Madalas pag New Year, nagkakaroon tayo ng mga resolutions. Ako, wala akong resolutions ngayon. Kasi (as usual) ayoko nang nakikiuso. Hehehe. Basta babaguhin ko na lang kung ano kailangang baguhin, di naman kailangan mag-New Year para magbago...

Ang dami nangyari nitong nakaraang taon. Nagkaroon ng kampanya. gumastos si Gloria ng public funs sa pangangampanya. Umattend ako ng mga miting de avance. Namatay si FPJ. Pumasa kapatid ko sa UP. Lumipad ang aking lalabs na si Ria sa Japan. Nagcelebrate kami ng ikalimang anibersaryo. Natapos ko ang aking MBA. Nag-coach ako ng dalawang teams para sa competition. Ginawa akong coordinator. Tumugtog na naman ako paminsan minsan kasama ng Sangandaan. Naging active ako sa aking tambayan. Tumigil ako sa pagbili ng komiks. Nag-ubos ako ng pera sa libro. Nag-enjoy sa aking mga estudyante. Naasar sa aking mga estudyante. Dumami ang friends. Dumami rin ang nakabangga.

Langya, pakiramdam ko ang laki ng itinanda ko ngayong taon.

Ano naman kaya ang mangyayari sa susunod na taon?

Exciting sana... :)

1 comment:

Anonymous said...

kuya paeng,agree ako sa pagsasabing hindi kailangan ng bagong taon para magbago...nakaka aliw ka naman,kaya mong ishare thoughts mo sa world wide web...i guess that goes for everyone here in blogger.com. sana makasama rin ako sa conspiracy nights mo...hindi siguro muna ngayon at medyo tight budget ako...on-line na lang muna tayo magkita o di naman kaya..tugtog ka ulit sa alun-alun...o sya see you around at sana nga exciting ang darating na taon para sa ating lahat...jiggy