February 22, 2008

Hero


Habang binabasa ko ang artik ni Conrad de Quiros na Hero na nagpapatungkol kay Jun Lozada, ang star witness ng NBN-ZTE scandal, ako ay nalungkot. Sumasang-ayon naman ako sa karamihan ng mga punto ni Conrad. Pero di ko mapigilang maisip na eto na naman tayo't inuulit ang ating mga pagkakamali.

Natutuwa ako na lumantad si Jun Lozada. Dahil sa kanya, nadagdagan pa ng credible evidence ang matagal na nating alam pero matagal na ring pinagbubulagbulagan: na ang pamahalaan natin ay corrupt at walang bahid ng hiya sa pagpapasasa sa yamang dapat pinapakinabangan ng taungbayan. Dahil sa kanyang testimonya, nag-panic si GMA at ang kanyang mga alipores. At ang mga taong nagpa-panic, nadudulas ang dila.

Pero nakakalungkot ang pagturing kay Jun Lozada na isang bayani. Ang fixation nating mga Pinoy sa hero figures ang siyang dahilan ng pagkabigo ng ating mga nakaraang "rebolusyon." Ang spotlight ay itinututok natin sa tao at hindi sa isyu. At kapag sa tao nakatuon ang ating pansin, ang ating pagkilos ay nakadepende sa pupuntahan ng ating piniling bayani. Kaya't kapag ang ating mga piniling bayani ay nagpakita ng kahinaan, sinakyan ng mga oportunistang politiko, naligaw ng landas at nawalan ng kredibilidad, tayo ay nadidisilusyon, nawawalan ng pakialam at kasama na ring napapariwara. Nakakalimutan natin na sa likod ng taong ating sinuportahan ay ang mga prinsipyong binigyan niya lamang ng mukha (kahit na panandalian lamang) na hindi naman nako-corrupt sa paglipas ng panahon.

Isa pang problema sa ating hero fixation ay binibigyan nito ng extraordinary character ang dapat ordinaryo lamang na pagdesisyon na gumawa ng tama. Sa pagturing natin sa ginawa ni Jun Lozada na heroic, para na ring sinabi natin na ang pagsasabi ng totoo ay gawain lamang ng mga binabaril sa Luneta. Sa pagturing natin sa ginawa ni Jun Lozada na heroic, para na ring sinabi natin na ang paglaban sa lantarang pagnanakaw ay gawain lamang ng mga pinapatayuan ng monumento.

Tamang magpasalamat tayo kay Jun Lozada. Pero tigilan na natin ang pagturing sa kanya na isang bayani. Sa ating paglaban para sa makabuluhang pagbabago, hindi mahalaga ang tanong na SINO ba ang kasama ko sa labang ito? Ang mahalagang tanong ay ANO ba ang ipinaglalaban ko? BAKIT ko ba ipinaglalaban ito? At KAILAN ako kikilos para matapos na ang laban?




*Larawan ay mula kay Rem Zamora

4 comments:

Kabayan said...

Hi Paeng,

Bumisita lang ako sa site mo. Tama ka diyan, kung sino pang matitino sa gubyernong to e sila pa ang iniipit. Siyempre, papaano mangungurakot ang mga nasa taas kung puro matino ang kasama nila, kaya iniitsa pwera nila. Mafia talaga ang gubyerno natin ngayon. Tawag ko nga Oligarchic Syndicracy.

Sinama ko pala ikaw sa links ko.

Blogswarm tayo Feb 24 o 25 ha. :)

Anonymous said...

napanood nyo ba yung crying babies sa youtube, puro PI pala itong si Lozada dun.... tsk tsk what a hero...

Paeng said...

^ anong isyu sa pagmumura?

Anonymous said...

ang bait na tupa nya sa senado :)