December 1, 2008

Kawawang virus

Kawawa naman ang mga computer virus.  Tuwing may magkakaproblema sa computer, panay virus na lang ang sinisisi.  Kahit (kadalasan naman) katangahan lang naman ng gumagamit ang dahilan.

Naalala ko tuloy nung 1990s.  Hindi ako pabor sa mga adik pero naaawa ako sa kanila kasi lagi na lang adik ang sinisisi tuwing may mangyayaring karumal-dumal na krimen.

1 comment:

eliment said...

hahaha...galeng san mo nahagilap ang insigth na iyan?! haha. sa totoo lang, tama ang mga pinagsasabi mo, minsan pati walang kamalay malay, adik man o virus nadadamay.