March 2, 2008

Saan ba natin gustong pumunta?

Kapag nangungumbinsi ako ng mga kakilala ko na sumama sa GMA Resign movement, yung mga tumatanggi ay madalas na nagsasabing gusto naman nilang maalis si GMA. Yun nga lang, gusto rin muna nila ng sagot sa tanong na kung si GMA ay aalis / mapapaalis...ano na?

At sa tanong na iyon ay hindi nga malinaw ang sagot. Yung iba, gusto ng constitutional succession. Yung iba, transition government na may council of elders. Yung iba naman, snap elections. Yung iba naman walang pakialam basta gusto nila sila naman ang nasa kapangyarihan (eto yung mga masarap ihulog sa manhole kapag nakikita mo sa rally).

Kung ako naman ang tatanungin, gusto kong i-test natin ang limits ng isang tunay na rebolusyon. Yun ang problema sa mga nagdaang EDSA, lalo na ang EDSA Dos. Kumilos tayo hanggang sa pagpapalit ng leader lamang. Paano kaya kung subukan nating yanigin ang sistema, mag-isip ng out-of-the-box at magdrawing uli ng mapang magdadala sa atin kung saan talaga natin gustong pumunta?

Siguro dun muna dapat magsimula. Ano ba ang itsura ng Pilipinas na gusto nating puntahan? Kapag nasagot natin yun, saka natin sagutin kung paano tayo pupunta doon.


.

4 comments:

Anonymous said...

hayop si Gloria. Walang kunsensya si Gloria ARROYO. mAGBITIW KA AN gLORIA

noli said...

pare, please add link http://dujhi.spreebb.com

submit pictures to "don't you just hate it?" mga gov't cars na nakikita sa mga clubs/bars, malls. mga naghahatid ng mga bata sa school. kahit anong quality, mula sa cellphone camera at mga digital cameras are welcomed.

my own little way of helping fight corruption.

MBW said...

Manila Bay Watch: Jen-Jen's Gloria resign blogswarm is headline news!

Anonymous said...

hi everyone

please allow me to be Anonymous mala unggoy kasi yung galamay ni gloria for my own security narin. isa rin ako sa mga Blogswarms :)

may alam kasi ako, gusto ko lang ilantad ito sa masa

nung senate inquiry ni jun lozada...

ang ombudsman pinatawag si FG for a hearing tapos si FG sabi di sya maka appear for health reasons, diba?

si FG na yung next na senate inquiry pero inunahan ni Merceditas... kasi hindi pwedeng sabay imbetigahan si FG nang senate & ombudsman

merceditas = ombudsman

so hawak na ni ombudsman si FG at hindi si senator cayetano, et al

so what's the catch?

tado mga yan. mga kawatan talaga.

kaya inunahan ni merceditas, para hindi ma senate inquiry si FG

to protect FG. pero akala nang taong bayan, the ombudsman was just doing her job

pinapatagal nila. buying time...

it was a political manuever ni merceditas to protect her boss

sabi ng mga lawyers na kilala ko ginagamit ang talino sa kabalastugan

mga lawyers lang can see thru this kasi alam nila pano ang takbo nang batas

magkano kaya binayad kay merceditas para gawin nya mga bagay na eto ano?

--------------------------------------------------------
PLEASE REPOST my comments para malaman ng taong bayan yung kabulastugan ng ombudsman

akala nang taong bayan, the ombudsman was just doing her job