July 13, 2008

Dear nursing student,

Kamusta ka na? Narinig mo na ba ang balita?

Matagal ko nang sinasabi sa iyo na kung papasok ka sa propesyong ito, huwag mong iisipin ang pera. Ang nursing ay isang propesyon, at bilang isang propesyon, public interest ang unang unang sinusumpaan nating protektahan. Sabi mo sa akin noon, oo, naiintindihan mo ang aking sinasabi.

Pero madalas talaga akong magduda. Lalo na't ilang beses akong nakarinig ng mga masasamang balita tungkol sa iyo. Kasama pa ang nursing exam cheating scandal. Kung talagang public interest ang pinoprotektahan mo, dapat ay hinayaan mong mawala ang takot namin sa pamamagitan ng retake. Kasi kung talagang nasa puso at isip mo na ang pagiging nurse, papasa ka naman uli di ba? Pero ayaw mo kasi madedelay ang pagkuha mo ng NCLEX.

Ngayon, ni hindi ka na makakapag-NCLEX kasi hindi ka na nila kailangan sa US. Hindi ka na rin kailangan sa UK.

Pero kailangan ka DITO. Yun nga lang, mababa ang bayad. Overworked, underpaid. Mataas ang nurse to patient ratio. Ibig sabihin, ang kailangan dito ay yung nasa puso talaga ang kagustuhang makapaglingkod sa komunidad bilang isang health worker. Importante ka sa amin, lalo na sa mga mahihirap na nangangailangan ng iyong serbisyo. Ang tanong, importante ba kami sa iyo?

Dear nursing student, ano ang nasa puso mo? Handa ka na bang harapin ang katotohanan na ang propesyon mo ay tungkol sa paglilingkod at hindi tungkol sa pera?

2 comments:

batangmarikit said...

true! nagdududa din ako lagi sa pangarap daw nilang maging nurse kaya paulit ulit ulit kong tinatanong sa kanila kung bakit, bakit, bakit nila gusto maging nurse. sa bandang huli, nadidisappoint lang ako. hehehe...

glaiza said...

everyday ako ng iinterview ng call center applicants, almost 80-95% sa kanila nurses. sobrang dismayado lang sa sagot nila, halatang halata medyo iba ang way of thinking nila sa pagiging call center agent. same goes sa pagiging nurse nila. mga bata nga naman...