September 30, 2006

Salamat sa NCLEX?!

Minsan may mga problema na hindi black and white. Inaabot nang matagal ang pag-isip ng solusyon dahil napakaraming factors na kailangang i-consider.

Ang nursing board exam leakage ay hindi isa sa mga problemang iyon.

Simula nung pumutok ang balita, malinaw na ang solusyon sa problemang ito. Malinaw na hindi puwedeng agad agad na itratong valid ang resulta ng exam dahil may leakage. Malinaw rin na hindi puwedeng i-invalidate lang ang mga tanong na nag-leak dahil ito ay substantial portion ng exam at hindi magiging tunay na measure ng competence ang recomputed na score. Malinaw rin na maraming nakinabang sa leakage ngunit ito ay concentrated sa iilang review centers at sa iilang nursing schools lamang.

Kaya ang tamang solusyon ay i-invalidate ang resulta ng mga pumasa na nag-aral sa mga review centers at nursing schools na nakakuha ng leakage at pakuhain uli sila ng portions ng exam kung saan nagkaroon ng leakage.

Ngayon ay nagutos na ng retake ng nursing exam si GMA. Gusto ko sanang maniwala sa sinabi niya na ang solusyon na ito ay naabot niya dahil gusto niyang protektahan ang integridad ng profession, pero bakit inabot ng apat na buwan bago niya makita ang obvious na kasagutan? Ito ba ay dahil ang nakapagkumbinsi naman talaga sa kanya na magutos ng retake ay hindi ang kanyang concern sa mga nurses kundi ang dolyar na maipapasok nila pag sila'y nasa abroad na? Bakit naisip lang niya ang solusyon nang siya ay kausapin na ng isang NCLEX representative, gayong ang ideya ng retake ay matagal nang ibinabandera ng mga deans ng nursing schools at iba pang awtoridad mula sa nursing profession?

Ang masaklap pa rito ay mukhang hindi rin pinagisipang mabuti ang kautusang ito dahil all signs point towards a blanket retake. Alam na kung saan nagmula at kung saan napunta ang leakage, pero lahat pa rin ay pakukunin. Maging ang mga bumagsak ay pakukunin ng retake gayong common sense naman na ang leakage ay nakakadagdag lamang sa bilang ng pumasa at hindi sa bilang ng bumagsak!

Retake ang sagot sa problema ng nursing exam leakage. Ngunit ang retake na ito ay dapat focused sa mga nakinabang lamang sa leakage. Hindi dapat parusahan ang mga walang kasalanan. Isa pang mahalagang punto na dapat pansinin ay half-baked ang solusyon na inihain ni Gloria dahil ito ay patungkol sa mga estudyante lamang. Paano na ang mga government officials, review centers at nursing school officials na nag-conspire upang sirain ang integridad ng licensure exam na ito? Hindi ba't sila ang may mas malaking kasalanan sa katarantaduhang ito?

2 comments:

tintay said...

elow po...

naiintindihan kita kasi isa din ako sa mga pumasa sa june 2006 board exam... pero isa lang ang tanong ko? "where do we draw the line?"..

nagreview ako sa dun isa sa mga controversial na review centers na sinasabi nila. maniwala ka man, hindi ko alam na may leakage na palang nangyari dun. hindi ako pumunta doon sa sinasabi nilang "last minute preparations" dahil mas pinili kong magsimba at magpahinga na lang...kaya ibig bang sabihin na dapat din invalidate ang pagkapasa ko?

wala akong magawa ngayon kundi maghintay sa desisyon ng court of appeals..pero ang paniniwala ko lang ay hindi dapat madamay ang mga walang kasalanan

Paeng said...

^ that's an interesting case, Ms. Tintay. i still stand firm na dapat may retake. there's no other way to bring back the integrity of the exam. ngayon, sinabi ko na dapat i-limit yung retake sa mga examinees na galing sa review centers na nagkaroon ng leakage para automatic na ma-exclude yung mga di nag-aral sa review center na yun.

ngayon, kung merong mga nagreview dun sa review center na hindi naman nakakuha ng leakage tulad mo, then that is subject to an individual appeal. hindi lang ako sold sa idea na blanket retake or blanket no retake. because these "solutions" don't solve anything.