April 1, 2005

English-isms

Kahapon, habang nag-uusap kami ni Dean, na-mention niya sa akin na may puna na naman sa akin ang aming beloved president. Noong isang araw kasi, nagkaroon ng faculty seminar sa aming auditorium. It's one of those leadership seminars that I hate pero inenjoy ko na lang kaya game ako sa pag-participate. Akala ko naman matutuwa kasi active ako at nag-share pa ako ng insight. Yun pala, ang pinuna ay ang hindi ko paggamit ng English sa aking sharing.

Tapos, yun rin pala ang puna niya sa aking article sa The POdium - the IABF SC Newsletter. Marami na kasing lumapit sa akin at nagsabing natuwa sila sa article. Pero olats pa rin ako kay Madame President, kasi sinulat ko raw in Taglish. Maganda raw sana ang aming first issue, kaya lang isa daw ito sa mga pinuna niya.

Sabi ni Ria, hindi daw Taglish ang gamit ko. Filipino daw yun.

Naalala ko tuloy ang isang instance pa na pinuna ako habang nagtuturo sa mga contestants na iko-coach ko para sa ICFC last year. Lumapit si Madame President sa amin, at akala ko matutuwa kasi kitang kita naman ang hirap sa pagprepare para sa isang big time na interschool contest. Biruin mo ba naman na sabihin sa akin, "Make sure that you're coaching in English."

Ano ba itong obssession with English sa aming unibersidad? Mali pala. Ang obssessed nga lang pala sa English-isms dito ay ang aming mga administrators. Palaging pinapangalandakan na kailangan daw marunong ng English for global competitiveness, at siguro nga may punto naman sila duon, pero kailangan bang i-emphasize to the point na wala na kaming karapatang mag-Tagalog sa kahit anong instance?

Kailangan daw kasi naririnig ng mga estudyante lagi ang English dahil ang mga estudyante daw na narito ay walang ibang venue para ma-practice ang language. E kung yun ang dahilan, bakit ako pupunahin sa pagta-Tagalog sa harap ng isang audience na puro co-faculty ko naman at wala ni isang estudyante? Ano ang masama sa pagta-Tagalog sa two pages lang ng isang 36-page magazine kung saan ang lahat ng ibang pages ay in English na grammatically perfect na pinagmalaki pa tuloy nila kahit sa ibang school ang naturang magazine?

Binring-up pa na nainitindihan naman daw nila na kami raw mga taga-UP ay mga nationalistic kaya mas prefer namin ang Tagalog. Pero intindihin na lang daw namin ang "pangangailangan" ng aming mga estudyante dito.

Ang aking pagta-Tagalog ay walang kinalaman sa nationalism. Ang aking pagta-Tagalog ay wala ring kinalaman sa anumang speaking deficiency pagdating sa English dahil hahamunin ko kahit sino rito ng Englishan. Ako ay nagta-Tagalog dahil wala namang pangangailangang mag-English sa mga panahong nagta-Tagalog ako. Eto ang natural na lumalabas sa aking bibig, kaya bakit ko pipigilan? Dahil lang sa may mine-maintain kaming "standard"? Dahil pine-prepare namin ang aming mga estudyante na magpunta na lang abroad kasi dun may trabaho at nakakahiya naman pag baluktot silang magsalita ng English?

Bakit sinisisi ang paggamit natin ng Tagalog sa pag-deteriorate ng English? E kung sabihin ko kaya na kaya hindi rin umuunlad ang sarili nating wika e dahil sa pinipilit naman nating mag-English nang wala sa lugar/panahon? Sa totoo lang, may tamang panahon para mag-English. May tamang panahon rin para mag-Tagalog at mag-Filipino. Yun lang naman ang sinusunod ko at yun dapat ang sinusunod natin para hindi nagde-deteriorate ang skills natin sa parehong wika.

Sila kaya? Alam kaya nila kung kelan kailangan naman silang gumamit ng Filipino? Baka nga mabulol pa sila pag pinagsalita na sila ng Tagalog. Ano ba naman yan? Educators pa namang naturingan. English-an lang pala ang alam.

Kanta na nga lang tayo:

"Mayrong isang aso
Daig pa ang leon
Siya'y humihiyaw
Hindi kumakahol

Katulad ng iba
Pa-Ingles Ingles pa
At kung pakikinggan
Mali-mali naman

Wag na uy!!!"

1 comment:

riadiosa said...

Go paeng go!!!