April 11, 2005

Sa graduating batch ng SY 2004 - 2005...

diploma Ang saya natin kanina, ano?

Ang sarap makita na lahat kayo ay nakatapos na. Eto na siguro ang batch kung saan halos lahat ay kakilala ko, at kilala ako. Hindi lamang sa B.S. Accountancy kundi maging sa ibang mga kurso. Kaya iba talaga ang pakiramdam nung pumwesto talaga ako sa gitna ng daan palabas para literal na makapagpaalam sa mga estudyanteng nagpasaya sa akin sa nakaraang mga taon.

Sayang nga at hindi ko nakayang magpaalam sa lahat. Tulad rin ng mga karanasan ko nung mga nakaraang graduation, malamang sa hindi ay ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang karamihan sa inyong mga grumaduate. Pero ok lang yun, nandito pa rin naman ang aking tambayan. At ako ay madadalaw niyo kahit kailan.

Natawa rin ako kanina nang may magpa-picture sa akin na hindi ko talaga matandaan kung bakit kilala ako. Dalawang beses pa nangyari yun. Sadya bang makakalimutin lang ako at di ko maalala kung sino sila? Kungsabagay, ok lang. At least kumakalat na ang aking picture. Magagamit ko ito sa aking mga plano sa 2016 . Hahaha!!!

Sana nga pala ay huwag ninyong kalilimutan na hindi para sa pansariling pakinabang ang natamo niyong edukasyon. Iyan ay may responsibilidad, lalo na't kayo ay iilan lamang sa mga Pinoy na nakaabot sa ganyang academic level. Gawin ninyong makabuluhan ang inyong buhay. Duon niyo lang mahahanap ang totoong kaligayahan.

Paalam na at sana magtagumpay kayo sa paghanap ng sarili niyong daan. Wala na kaming maituturong bago sa inyo. Panahon na para hanapin ang inyong mga bagong teacher. :)

Mahal na mahal ko kayong lahat. Bow.

7 comments:

Anonymous said...

what happened po sa prayer niyo pala? di po ba nagtaasan ang mga kilay ng mga "conservative" ng school?

riadiosa said...

ang drama mo `teng. =)

Anonymous said...

sir kung lhat ng prof katulad nyo ang saya sna.. huhu sir ndi ko nkapagpapic snio sayang. pngkguluhan n kc kyo... nwei now n grad n kme sna po patuloy p ring kumalat ang iyong mga mggandan idea kung anu ang natutunan nmin snio sna ganun dn ang mga susunod n estudyante. bsta sir s 2016 if im rich then.. ssponsor kta...=P

Kristoffer J. Rivera said...

Naku si Sir ma-drama talaga! Hehehe! Joke lang. Honestly nakakatuwa na may Prof na katulad niyo. BAKIT!? Kasi pinaparamdam niyo po sa mga student niyo na importante sila sa inyo! Diba astig!?
Basta Sir alam ko yung mga next student niyo magiging favorite din kayo! Bola!!! Totoo!
God Bless Sir saka sana maging kasing-talino ko kayo! Bwahaha!

sweethailey2003@yahoo.com said...

kakatouch naman message mo..sayang once lang kita naging prof. pero napaka memorable sakin nun kasi napakadami kong natutunan sau..u inspired me..sobrang simple mo and yet kakaiba. sobrang naiiba ka sa mga naging prof. ko, tingnan mo naman pati last message may aral pa din hehehe..well thank u din sa lahat! though di kita nakasama magmarch because summer graduate ako but still i appreciate or nakarelate ako sa message mo..sana lahat ng tao kagaya mo :) sana next time magpapic ako sau di ka tatanggi ha..or wala kang klase..remember :p

michelle cruz said...

hoy sir....bket cnasbe nyo na last tym nyo na manood ng graduation na kakilala nyo halos lhat? akla ko ba sasbay ka s pagalis nmen? bket parang mauna ka pa?!!!

wlang gnun sir!!! sbay2 tyo!!! wla ng magsasabing ang galing ko pag nauna kang gumraduate smen!!!!

Paeng said...

^ sira ka pala, Michelle. ibig kong sabihin, kakaiba yung batch na ito kasi hindi lang mga B.S.A. ang kilala ko. sa inyo kasi yung mga B.S.A. lang ang na-handle ko.