April 24, 2005

Paglilinis ng Tambayan

Kung napansin niyo nitong nakaraang linggo, naglabas ako ng mga post na merong mga specific headings at parang may kanya-kanyang subject matter. Ako kasi ngayon ay nag-aayos ng aking tambayan. Napansin ko na sa aking pagba-blog nitong nakaraang taon, walang disiplina ang aking pagpo-post. Nagsusulat lang ako kapag nararamdaman kong gusto kong magsulat, at random ang pagpili ng aking mga topics. Pero panahon na para magkaroon ng direksyon ang aking mga sinusulat. Ayaw ko naman kasi na ang aking tambayan ay magiging isang ordinaryong blog lamang na parang isa lamang kombinasyon ng isang online diary at ng bulletin board sa Friendster.

Naalala ko, sinimulan ko ang pagba-blog na ito dahil gusto kong makapagbigay ng mga opinyon, puna at rekomendasyon, at inaasahan ko sana na ito ay magiging catalyst ng discussion. Ginawa ko rin ito kasi gusto kong matutong magsulat ng maayos na opinyon. Wala kasi akong training sa pagsusulat, at maganda sana kung ang web site na ito ang magsisilbi na ring aking praktisan.

Kaya simula nung nakaraang linggo, nilagyan ko na ng sense of order ang magiging topics na isusulat sa aking tambayan. Lunes ang araw para sa KSP, ang aking komentaryo sa socio-political issues. Tuwing Martes naman ay isasama ko kayo sa Biyaheng FEyUps, kung saan ibabahagi ko ang aking mga karanasan sa lugar ng mga Tamaraw. Huwebes ay ang araw ng pagdating ng mga bagong komiks, kaya ito rin ang araw para sa Oh God, It's Not Mint!, na tungkol naman sa mga komiks at iba pang "geek" topics. At Sabado naman ang Soundboard, ang aking mga kuro-kuro tungkol sa music scene.

Inaasahan ko na dahil naglagay ako ng isang rigid schedule, magkakaroon ng displina sa aking pagsusulat at hindi na ito mananatiling spontaneous na lamang. Maganda rin kasi yung mga dumadalaw rito, malalaman na kung ano ang maaasahang mababasa sa aking tambayan. From time to time, magsisingit pa rin ako ng mga post sa labas ng apat na regular na "column" na ito (hahaha, feeling columnist!). Pero ang mahalaga ay mapanindigan ko ang pagsunod sa mga regular na naka-schedule.

Sana magkaroon ng kabuluhan ang pinaggagawa kong pag-aayos ng tambayan. Sana gumanda na rin ang aking mga isusulat. :)

No comments: