April 27, 2005

Tsismoso

Sabi nila, makinig ka lang sa paligid mo, ang dami ka nang masasagap na makulay na mga kuwento. Kaya eto ang sample ng mga narinig ko kanina:

---------
Mula sa isang lalakeng nagba-bike nang mabilis habang na may nakaangkas na babae:

"Wag kang magulo, wala akong preno"

(Diyos ko. Sana di sila nasagasaan.)
---------
Mula sa isang babae na may kausap sa cellular phone habang nasa National Bookstore:

"Sige, tatawagan kita mamaya...Hindi nga puwede, may boyfriend na ako."

(Hmmmmmm...hehehehe!!!)
---------
Mula sa isa sa tatlong lalake na sumabit sa jeep kahit maluwag sa loob. Kausap niya mga kabarkada nila na hindi sumamang sumabit:

"Sige, sumabit na lang kayo sa ibang jeep. Kita kita na lang sa riles."

(Siyet. Bumaba tuloy ako at naglakad na lang pauwi.)

4 comments:

nanoy said...

gaya-gaya! :D hahaha...

Paeng said...

^ ako hindi fictional. :p

donnagaile said...

naku sir mukhang may naiingit sa blog mo

Paeng said...

^ pagpasensyahan mo na, kapatid ko yan. :D bisitahin mo siya sa http://isipkamote.blogspot.com