April 25, 2005

KSP: Kagatan

Habang naghahanap ako ng topic para sa aking isusulat ngayon, natiyempuhan ko sa INQ7 ang mukhang magiging headline ng Philippine Daily Inquirer bukas:

'Bite the bullet,' Arroyo says of higher taxes, power rates.

Ayon sa report, inihayag ito ni PGMA sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Ignacio Bunye sa isa sa kanilang mga meeting with the press. Pinapasabi rin ni PGMA na kailangan daw natin itong gawin, kaysa naman daw tayo ay mag-suffer ng isang economic meltdown.

Nakakatawa naman kung paanong ipininta ni PGMA ang kanyang "pakiusap". Kung titingnan natin in metaphorical terms ang kanyang statement, ang "bullet" ay ang bagong mga tax measures na itinutulak ng administration at pati na rin ang napipintong pagtaas ng rates ng NAPOCOR. Kung iyon ay itinuturing na mga bullet, ibig sabihi'y parang tinututukan na rin nila tayo ng baril. Sa aking pagkakaalam, ang pagtanggap ng bala sa katawan ay nakakapinsala, at kung puro ang tama, nakamamatay. Mukhang hindi na pakiusapan ito. Threat na yata ito.

Matagal nang itinutulak ng GMA administration ang unang "balang" itinututok nila sa mga ulo natin - ang kanilang mga bagong tax measures. Ito raw ay kailangan para mapanatili natin ang "investor confidence" na magdadala sa atin ng dagdag na mga pondo at trabaho. Nakakatawa, kasi pagkatapos nating mag-rank na 2nd most corrupt country in Asia, pinoproblema pa rin ng mga government officials kung may confidence pa rin ang mga investors sa bansa natin. Ang sentro ng kanilang revenue-raising scheme ay ang pagtaas ng VAT mula 10% to 12%, na kasalukuyan nang pinagdedebatehan sa bicam ng kongreso.

Inirereport ng ating gobyerno na magpapasok ng karagdagang P80 billion sa kaban ng bayan ang pagtaas ng VAT rate. Kung saan nila kinuha ang figure na ito, hindi ko alam. Ngunit kung magre-rely tayo sa report ng ilang mga reliable authorities, ang P80 billion na binabandera ng administration ay isa lamang "bluff" para kumagat ang publiko sa kanilang proposal. Ayon sa "The economy on a cusp: The proposed VAT amendments and their larger significance", ang kontrobersyal na discussion paper na sinulat ng UP 11, ang realistic na estimate ng karagdagang revenue na makokolekta sa pagtaas ng VAT rate ay P30 - P35 billion lamang. Kung masasamahan pa ng pagtanggal ng ilang VAT exemptions, ine-estimate naman ng Department of Finance na P62.76 billion lamang ang itataas ng revenues dahil ina-assume ng DOF ang realistic na 70% collection rate. Paano pa kung ifactor-in natin ang percentage ng karadagang pondo na ito na mapupunta sa corruption? Sapat pa rin kaya ang maipapasok na revenue ng VAT increase para magkaroon nga ng confidence ang mga investors sa ating bansa?

OK lang naman talagang magbayad ng karagdagang buwis kung alam mo na sa maganda napupunta ang ibinabayad mo. Sabi nga ng isang kasamahan ko sa trabaho, "Bayad tayo ng bayad ng tax, hindi naman natin nararamdaman kung saan napunta." Paano nga naman natin mararamdaman kung, ayon sa report ng Economist Intelligence Unit, 20% - 30% ng ibinabayad natin ay nararamdaman lamang ng mga malalalim na bulsa ng iilang nakaupo sa gobyerno? Pagkatapos ay misappropriated pa ang ating budget dahil ang priority ay para sa pagbabayad ng mga utang na napunta sa mga white elephant o kaya ay sa mga overpriced anomalous projects tulad ng Bataan Nuclear Power Plant, Centennial Expo, Diosdado Macapagal Blvd., at computerization ng COMELEC. Paano ka naman gaganahang magbayad ng karagdagang buwis pag nakikita mong diyan lamang napupunta ang ibinabayad mo?

Pag-usapan naman natin ang isa pang "bala" - ang pagtaas ng rate ng NAPOCOR. Ayon kay Bunye, "We have to ensure the competitiveness of the power industry and this is one way of doing it." Pino-project kasi na magkakaroon ng operating deficit na $700 million ang NAPOCOR sa taon na ito at maiibsan ito nang konti ng rate increase na magpapasok raw ng $200 million. Kung ang rate increase ay "one way" ng pag-avert ng power crisis, ano naman kaya ang other ways? Sinubukan kaya nila itong i-explore? For example, ang NAPOCOR, kahit na ito ang pinakamalaking loser sa mga ahensya ng gobyreno, ang siya ring nagbibigay ng pinakamalaking sweldo na maaaring umabot sa P500,000 kada buwan sa kanyang pinakamataas na opisyal. Pwede naman sigurong bawasan ng gobyerno ang sweldo ng mga ito, lalo na't napakasama naman ng performance ng NAPOCOR sa ilalim ng kanilang pamamahala. Pwede rin siguro nilang bawasan ang mga "consultants" ng korporasyon, na karamiha'y mga dati rin nilang mga officers na tumanggap na ng early retirement package. Mas mabuti pa, dapat siguro'y i-negotiate na lang ng gobyerno ang restructuring ng utang ng NAPOCOR, na nagkakahalagang P500 billion.

Minsan may nagtanong sa akin, papayag raw ba akong mamatay para sa Pilipinas. Sabi ko, oo, basta ba siguradong para sa Pilipinas yung pagkamatay ko, hindi para sa iilan lamang mga taong may mga vested interests. Sa kasong ito, parang ang hirap seryosohin yung pakiusap ng pangulo na magpakamatay tayo at tumanggap ng bala sa ulo para sa Pilipinas. Parang gusto kong sabihin sa kanya, "Ikaw muna." Kungsabagay, magandang suggestion iyon. Ako muna ang tututok sa kaniya ng baril. Pag nabaril ko na siya, papayag na rin akong barilin niya ako. O kaya, mas maganda siguro pag nabaril ko na siya, tatakbo na lang ako at mamumundok. Para magkaroon pa ako ng tsansang makabaril ng mas maraming mga corrupt government officials.

Kagatan na.

4 comments:

jhay said...

wow vigilante... kung magkakatotoong maging vigilante kayo at tutugisin nyo ang mga corrupt na officials eh baka mawalan na tyo ng gobyerno... dahil halos lahat corrupt... hehehe...
eh sir pano kung mabigyan nga kayo ng pagkakataon na mapatay si gloria... sino naman ang gusto nyong pumalit sa kanya... diba siguro dapat may plano na talaga kung sino ang dapat na pumalit para di na maulit ang kamalian ng EDSA...
at sir sa tingin nyo... saan ba patungo ang ating bansa ngayon? may patutunguhan nga ba? naniniwala pa ba kayong makakaahon ang bansa natin? may ideya ba kayo kung pano maisasalba ang ating bansa?

Paeng said...

^ hehehe. hindi ko naman balak patayin si Gloria. Metaphorical lang yun. :)

paano nga ba isasalba ang bansa? next week siguro sasagutin ko yan. :)

nanoy said...

naalala ko yung dyok ni Elmer sa MondoManila:

Q: Sino ang pinaka-gagong tao sa buong mundo?

A: si Ninoy, kasi sinabi niyang "the Filipino is worth dying for".

Anonymous said...

Mahal na Customer

Ako Mr Ben Mark. Currently namin Sigurado nag-aalok ng Private,
Commercial at Personal Loans sa tunay kakaunti taunang Interes
mga rate ng Mababang bilang 3% sa loob ng 1 taon sa 30 taon itatagal ng pagbabayad
panahon sa anumang bahagi ng WORLD.We magbigay ng mga pautang sa loob ng mga minimum
hanay ng mga $ 2.000 ang maximum ng $ 500,000,000 USD. Ang aming mga pautang ay
mabuti nakaseguro para sa pinakamataas na seguridad ay ang aming priority.

* Sigurado ka sa pananalapi kinatas?
* Huwag kang humingi ng mga pondo upang bayaran ang mga credits at mga utang
* Huwag kang humingi ng pananalapi na-set up ang iyong sariling negosyo?
* Sigurado ka sa mga nangangailangan ng mga pribado o pautang sa negosyo para sa iba't-ibang mga layunin?
* Huwag kang humingi ng mga pautang upang tuparin at malalaking proyekto
* Huwag kang humingi ng pagpopondo para sa iba't-ibang proseso?
Kung mayroon kang anumang mga problema sa itaas at pagkatapos ay makipag-ugnayan sa aming mga customer
serbisyo (tonyloaninvestement01@gmail.com) ay maaari naming ng
tulong sa inyo pero gusto ko sa iyo upang maunawaan na bigyan ko ang aking
mga pautang sa interes ng isang rate ng 3%.

* * * Hiramin kahit ano hanggang sa $ 500,000,000 USD
* Pumili sa pagitan ng 1-30 taon upang bayaran.

* Pumili sa pagitan ng Buwanang at Annual Plan repayments
* * * Nababaluktot pautang sa mga Tuntunin.

Gayundin kayo ay nangangailangan ng punan ang loan application form sa ibaba kung
kayo ay interesado ako sa pagkuha ng pautang sa online ngayon.

DATA IMPORMASYON (BORROWER'S):

Utang na Halaga Kinakailangan ;............................
Utang na Halaga Kinakailangan Sa Words ....................
Buong Pangalan ;........................ ...........
Bansa :......................................
Zip / Postal Code :..............................
Valid Cell Phone Number ;......................
Address .............................................
Hangarin ng utang ;..............................
Address ...............................................
Occupation :...................................
Kasarian: Lalaki O Babae ;.......................
Nasyonalidad ...................................
Utang Duration .................................
Estado .........................................
City ..........................................
Edad ................................................. ......

Kailangan mo Para sa utang Application?
Sa sandaling matanggap namin ang application, Pagkatapos ay namin ang iyong utang
aplikasyon para sa pag-apruba
Mr Ben Tony
CEO / garantiya Finance
E-tonyloaninvestement01@gmail.com