March 25, 2005

Kongratyuleysyons!!!

Dear _____ ______,

Nang makita ko ang pangalan mo sa listahan ng gagraduate na may Latin Honors, napanganga ako. Wow. Akalain mo nga naman. Isang estudyante na malakas mangopya at mahilig makiusap na taasan ang grades, CUM LAUDE!!!

Nagbunga rin ang ilang taong pagpapagod sa pagpapagawa ng assignment sa iba. Nagbunga rin ang pagkakaroon ng malinaw na mata at makapal na mukha na siyang nagamit mo sa pagkopya nang lantaran sa classroom. OK rin ang pagkakaroon ng magagaling na koneksyon, marunong ka ring bumarkada sa mga masayang kopyahan.

Alam mo, ngayon ko lang naisip, sayang at di kita pinuna sa lantaran mong pangongopya noong estudyante pa kita. E di sana noon pa lang ay naging bahagi na ako ng pag-recognize ng iyong angking "galing". Kungsabagay, "friends" naman tayo. Malamang sa araw ng graduation, magyayaya ka na magpa-picture tayo. Pero di ako ngingiti.

Hinintay nga kita nitong nakaraang qualifying exam. Naalala ko noon, nanghihingi ka pa ng leakage sa akin. Bakit naman nahiya ka ngayon? Oo, tumanggi ako noon at tatanggi pa rin ako hanggang ngayon. Nabigla lang ako at wala ka man lang "attempt". Nabawasan pala ang iyong kapal ng mukha. Ano ka ba? Cum laude ka nga e, bakit di mo patunayan? Ngayon ka pa nahiya.

Kamusta na nga pala si __________? Siguro masama ang loob niya na madalas mo siyang kopyahan pero di siya cum laude. Ang hina naman kasi niya, hindi katulad mo, ang daming koneksyon at malakas ang loob. E ano nga naman ang maprinsipyo ka kung wala namang maisasabit na P45 na tingga sa leeg mo pagdating ng graduation?

Balitaan mo naman ako pag professional ka na!!! Mangongopya ka pa rin kaya? Siguro naman, 'no?!! E ano pa bang alam mong gawin? Oo nga pala. Give my regards to your parents. Pero mas masaya siguro kung alam nila ang iyong mga "hidden talents". Buti na lang sa akin, wala kang hiya sa pagpapakita ngiyong talento.

Muli, Miss _____ ______, kongtyuleysyons for cheating your way into cum laude!!! Namnamin mo ang iyong tagumpay pag hawak mo na ang medalya mo. Ipalaminate mo rin ang iyong diploma. Ano nga ba ang degree mo? B.S.C. F.A.? (Bihasa Sa Copying Friend's Answers)

Basta ito ang tatandaan mo. Kapag tinawag na ang iyong pangalan, hindi ako papalakpak. Hindi talaga.

-Sir Paeng-

8 comments:

handyfemme said...

Ano kaya ang pakiramdam niya na hindi niya pinaghirapan ang pagiging cum laude? :(

michelle cruz said...

sheeeeeetttttt!!!!!

la lng....hndi na nga ko mangongopya!

alm ko kse na cumlaude ako e...

hehe...joke lng sir!

Anonymous said...

bakit nga kaya may mgakatulad nyang estudyante?

grabeh!!!! kawawa naman yung dapat na mas maging cum laude kesa sa kanya...

tsk tsk tsk...

parang tulad din sa mga scholars ang daming nagiging scholars na nangungupya lang at idinadaan sa pakiusap para lang mabigyan ng mataas na grades kahit meron namang mga estudyanteng mas deserving maging scholars dahil hindi nangungupya...

hay!!!!

babalik naman yun sa kanila in the future...

huwad ang mga grades sa transcript...

matamaan sana sila...

Anonymous said...

hindi naman sa ipinagtatanggol kapag yata sinabi ng isang istudyante ngayon na hindi siya nangongopya wala ng maniniwala at magtatawanan pang mga kausap niya, sang ayon ako kay anonymous in the future babalik lahat yan sa kanya at kay sir paeng dahil sa trabaho sarisariling diskarte na pati syempre pati sa mga exams na ibibigay ng company... nangongopya din ako pero i see to it na may painaghirapan din ako at nagcocontribute din kapag kailangan ng section... (sanay natatandaan nyo pa yung sa financial management, hehehe nagbibiro lang)... isang istudyante mula sa AC01402

Paeng said...

^ yun nga e. pinagtatawanan na kasi natin yung mga nagsasabi na di sila nangongopya. dapat palitan na ang kulturang iyan. gaguhan na lang ang grades sa transcript pag ganyan...

Anonymous said...

kasalanan din ng prof yan, kung tinatama ntin ang mali ehdi magsisikap ang mga estudyante, malay mo kung tinama mo si miss._____ ehdi puedeng maging magna pa siya o summa....tanungin muna natin sarili natin kung sino ang mali...

Paeng said...

^ kaya nga next time, bagsak agad ang mahuling mangopya.

parang GTO ah. pag may maling ugali ang estudyante, kasalanan ng teacher.

Anonymous said...

grabeh nman, my mga kilala nga me s cum laude n hndi deserving mging cum laude kc i knw nman kung pano cla mg-aral. ang dami diyan n ms deserving kya lng hndi lng tlga pinalad, meron din nman scholar dw pero hndi m nman msbing scholar tlga kc ngdidikta ng grades s prof nla. nakakainis tlga!!!