January 28, 2009

This economic crisis ek ek

Pagbigyan niyo na ako kung magra-ramble ako nang kaunti. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko sa economic crisis na ito.

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
kasi
kaunti lang ang bumibili
kasi
walang pambili ang mga tao
kasi
wala silang trabaho

Teka, umikot na ako. Kung ganito ang pananaw natin sa krisis, mukhang ang solusyon ay job creation ng gobyerno sa pamamagitan ng mas malaking public spending (na magpapalaki ng deficit) o kaya ng mga bagong industriya (na hindi ko maisip kung paano mabubuhay kung wala ngang consumer spending).

Puwede rin namang ganito ang analysis:

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
pero
ayaw isakripisyo ng mga executives ang kanilang libreng pabahay, pabakasyon, pakotse at iba pang perks kahit na mataas na ang kanilang mga suweldo
kaya
sorry na lang yung mga hindi executive

Kung ganito ang pananaw natin sa krisis, ang solusyon ay ibiting patiwarik ang mga gahaman na executives, este, patawan pala sila ng mas mataas na buwis, gawing mas progressive ang income at estate taxation system, at gawin ng gobyerno ang kanyang redistributive function hindi lamang sa taxation kundi pati sa land reform. Pero siyempre, asa pa tayo e yung mga kauri ng mga executives na ito ang nakaupo sa gobyerno.

Puwede ring ganito ang analysis:

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
kasi
kaunti lang ang bumibili
kasi
natauhan na ang mga tao na luho lang pala yung binebentang produkto
kasi
wala nang perang panggastos sa luho ang mga tao
kasi
sapat na lang sa basic needs ang kita nila

Kapag ganito naman, parang nakakalungkot isipin na ang modern economy ay isang ekonomiyang lumago at nabuhay dahil sa luho. Napaka-wasteful kasi maraming surplus na production. Unsustainable kasi nakafocus sa output pero nakakaligtaan ang limitasyon ng scarce na input. Napakaunstable kasi ang economic activity ay sunud-sunuran lamang sa pabago-bagong kapritso ng mga tao. Kung ganito ang pananaw natin sa krisis, siguro dapat bigyang pansin ang pagpapalago ng mga industriyang tumutugon sa mga needs ng tao(food production, basic education and health services, basic housing). At dapat magkaroon din ng lifestyle change at turuan ang taong mabuhay ayon lamang sa pangangailangan niya.

Puwede ring ganito ang analysis:

Maraming nawawalan ng trabaho
kasi
nalulugi yung mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila
kasi
mahina ang benta ng mga produkto at serbisyong binebenta ng kumpanya
kasi
kaunti lang ang bumibili
kasi
walang pambili ang mga tao
kasi
kulang ang pera nila
kasi
nasanay na sila na tinutustusan ang gastos sa pamamagitan ng utang
at ngayon
hindi sila makautang
kasi
ayaw magpautang ng mga banko
kasi
wala silang perang maipautang
kasi
yung perang ipapautang sana nila, inilagay nila sa mga financial instruments na matataas ang pinangakong return
kasi
mataas rin yung hinihinging return ng mga stockholder
kasi
di makuntento ang mga stockholders sa kasalukuyan nilang yaman
e ang problema
ang mga financial instruments na mataas ang return, mataas ang risk
kasi
yung mga financial instruments na ito, inimbento na lang ng mga investment companies sa pamamagitan ng pagpapabango ng pangalan ng mga dati nang produkto (or in financial terms, securitization)
kasi
walang gustong bumili ng instruments nila kapag mababa lang ang return
kasi
yung mga investor hindi makuntento sa sa kasalukuyan nilang yaman
e ang problema
wala naman totoong value ang mga financial instruments na inimbento
kasi
ang totoong value, nanggagaling lang sa real economy (agriculture, manufacturing and industry, services, etc)
e ang problema
hindi naman lumalago yung real economy
kasi
walang nagiinvest dito
kasi
mababa daw yung return kumpara sa mga financial instruments ng investment companies
e ang problema
nag-invest lang sila sa papel
kaya
papel na lang ang naiwan sa investment nila

Sumakit ulo ko dun ah...

6 comments:

docmacky@yahoo.com said...

Hi Paeng,

Kamusta na. Maganda ang analysis mo sa sitwasyon ngayon ng ating mundo. Simple lang talaga ang nangyari: Sobrang GANID at GAHAMAN (pareho lang yata yun!) Tama ka at bumalik tayo sa basics. Edukasyon, Food Production at Kalusugan. Siyempre kasama din ang infrastructure kung saan may mga nadawit na "corrupt contractors" ayon sa WB. Sa ngayon, ako at ilan sa mga UPAA members ay nag-umpisa nang kumilos at bumuo ng UP Alumni Cooperative na maaaring makatulong sa ating bayan magpalago ng kapital at makapagbigay trabaho sa tao. Ang kooperatiba at ang tamang pagpapatakbo nito ang isa sa mga kasagutan na maaring magpapayaman sa ating bansa.

Mabuhay ka Paeng at ipagpatuloy mo ang iyong adhikain para sa bayan.

Kamusta kay Ria!

doc macky

Paeng said...

Thanks, Doc. May nagbabasa pa pala ng blog ko. Hehehe, sana nga matuloy iyang kooperatiba na binabalak niyo and I hope it would make a difference. :)

nawawalang diosa said...

Hi Doc Macky!

Rock on, Paeng! =)

Keboy said...

nahilo ako dun, a!

pero, tama iyung analisis mo. nasa perspektiba na lang yan kung alin ang pinakatama, pero lahat, tama.

docmacky@yahoo.com said...

Matutuloy na yung kooperatiba at maraming planong maganda. Pag naisaayos na ay sana makasali ka din at si Ria. =)

kat said...

hi,
buti na lang pala nagresign ako sa gobyerno. sa aking munting negosyo 5 katao ang nabigyan ko ng trabaho. =)