April 9, 2009

O-T.Y. na lang palagi kapag Holy Week?

Kagabi, pagkatapos kong mag-good night sa aking mga dating estudyante na ngayon ay nagtatrabaho na sa mga auditing firms, nakatanggap ako ng mga reply na nagconfirm sa aking hinala.

May pasok na naman ang mga CPA sa mga auditing firms kahit Mahal na Araw.  At wala silang OT pay.  Meron lang silang O-T.Y. para sa kanilang pagtatrabaho sa holiday.

Naiintindihan ko na naghahabol ang mga auditing firms na matapos ang kanilang trabaho bago ang filing ng mga kumpanya ng ITR sa April 15.  Pero dahil cyclical naman ito, bakit hindi man lang makapag-ayos ng work schedule ang mga auditing firms upang mabigyan naman ang kanilang mga empleyado ng panahon na makapagpahinga at makapag-reflect ngayong HOLY WEEK?

Alam ko nasa kultura na ito ng auditing firms.  Pero ito ay isang unhealthy tradition which teaches people to value workaholism for the wrong reasons.  Sabi nga ng isang kong estudyante:

"...e2 2loy, all work & no play. kya pla kyo umalis. :) sulit sa xperience, pro d mo mmalayan wla ka ng personal lyf. buti n lng masyahn aq. kundi loka2 nko ngyn. haha"

Hindi na ba magagawan ng paraan upang hindi na maging laging O-T.Y. kapag Holy Week at iba pang mga holidays?

8 comments:

Anonymous said...

oo nga sir, bkit ganon?hehe buti pa ang mga jolly jeep sa makati may holiday...kami wala..

Anonymous said...

may ot pay ako, pero wla lang personal lyf...prang pamilyar yan txt na yan a...kaw tlg sir! - shala

Anonymous said...

kilala ko ung nagtext... kung sino gusto makaalam just text dyosa(space)agua(space)lokaloka and send to 2369...

rem said...

nung nasa sgv pa ako pumapasok ako lagi ng on time. 8am nasa office na ako. sinusunod ko ang work sched ko. at pagdating ng als singko umuuwi na ako. dahil natapos ko na ang trabaho ko. hindi ko maintindihan kung bakit ang mga boss nagpupuyat ng todo todo pero kung pumasok naman sila alas-dos ng hapon. kung pumasok lang sila ng umaga on time eh siguro alas- sinko tapos na sila. talk about being effective and efficient.

yung isang ka-batch ko nasa sgv pa rin. pag tapos na sya sa trabaho nya nagkukunwari na lang syang busy dahil mabibigyan pa siya ng additional load. the system in auditing firms is that they "reward" you with more work for being efficient and this culture is somehow quite illogical to me.

Anonymous said...

tama. on-time ka papasok, late boss mo, so late ka na makakauwi dhil gabi na sya mg-uutos, my galit pang kasama. pag ngpasa ng time charges sasabihan ka pang "only charge productive hours"

Paeng said...

sabi ko na dito maraming magrereact e.

alam ko mahirap magsuggest kasi wala naman ako diyan, pero paano kaay kung talagang sabay sabay kayong umuwi pagkatapos ng 8 hours? may magagawa kaya sila?

Anonymous said...

Ngaun lang ako nakavisit sa blog mo ulit tay kaya late reaction ako..haha..para makabawi.. hahabaan ko ang comment ko..hehehe..

ako din meron OT pay nun Holy week.. pero kahit meron,hindi mo naman maicharge lahat ng hrs.,mga 1/4 lang ng OT mo dahil sa productive hrs eklavu na yan.. plus wala nga personal life..

un charge productive hrs. echoz na sinasabi... e haler.. sa kaka-ON (overnight) mo, talagang malaki tendency na maging mas mahaba ang oras ng pagwork at maliit lang output..

hindi rin effective ang pumasok ka maaga kasi hindi ka naman nila papauwiin ng maaga e ( ewan sa ibang group ha).. ewan ba.. buti pa sa college ndi mo na kelangan mag-may-i-go-out sa prof pero bakit d2 sa auditing firm (secret na lang kung san ito..haha) minsan masama ka kapag hindi ka nagpaalam pag uuwi ka?? (pero ngaun di na ako nagpapaalam kapag gusto ko talaga tumakas..hehehe.. un nga lang..iexpect mo na minsan ang boljak o kaya frown ng boss mo sa kinabukasan)... kapag nagpaalam ka naman, minsan meron pa ipapagawa sau bago ka umuwi.. parang forced OT na din kasi bi2gyan ka minsan ng work e after office hrs na..at wala ka karapatan 2manggi, actually meron pero iexpect mo na na mababa ang evaluation sau..

un sa pagset ng timetable para ndi na pumasok sa holy week?ewan ba tay... ndi ko din magets bakit ndi magawan ng paraan yan..pero most of the tym tay,,kasalanan ng client e..un mga hiningi mo na docs. etc.matagal ibigay.. to think na every year naman sila inau2dit..ndi ba pwd na January pa lang magstart na sila gawa schedules at iupdate na lang regularly at ifile ng maayos ang supporting docs???makakatipid pa sila sa mga OPE ng auditors sa transpo etc. dahil mas maiiksi ang timetable di ba..plus ndi sila naghahabol sa deadline..

sa part naman ng auditing firm, factor din kasi na masyado ka madami hawak na clients kaya nade2lay.. imagine,in 1 mo.,mga 10 companies ang kelangan mo minsan iaudit?.. sa dubai,sabi ng senior ko,mga a week or two lang ang audit timetable pero 1 client at a time lang talaga..mas effective at efficient un d ba?..saka xempre.. alam natin lahat na dito sa pinas, joketym lang un "ownership" kuno ng FS........

un sa uuwi ng sabay2 lahat?naku..pwede yan sa slack season.. sa bc season?naku...makakauwi kau,,yes...pero..magdasal na kau bago kau pumasok =)

madami pa ako gusto sabihin...kaso.. mejo pagod na ako magtype,...hehehehe.. hindi naman obvious na madami ako sama ng loob?hehe..

meron naman ako ikinakatuwa sa firm e, un pag napunta ka sa galante na boss na mahilig manlibre ng fud.. haha..ciao!

Anonymous said...

O-T.Y. din aq nung holy week..and take note, pati pa good friday..lupit no? d q din maintindihan bkt kmi pumasok ng good friday..ung team lng nmn ata ang pumasok..haha..mg-rereview kc pla ung partner nmn pgdating ng monday kaya no choice daw..kelangan pumasok..7 months plng aq sa auditing firm, and since nung nadeploy aq ung first 2 weeks lng ung wala talaga ginagawa..at sa 7 months na un, never pa ako ngcharge ng OT kht na lagi nmn late na umuuwi at minsan umaga na..ewan ko ba..nasa culture na ata ng cluster namin na hinde mgcharge ng OT kht na ngOT ka nmn talaga..june na ngaun..slack season na ng karamihan..pero andito parin ako OTY pa din..kakapagod pero masaya pa naman ako..besides, d lang naman OT Pay ang ngpapasaya sa work dba?=)