March 30, 2009

Denounce not just Chip Tsao

Muli, maingay na naman tayong mga Pilipino sa pagkondena sa isang degrading article na isinulat ng isang foreigner tungkol sa ating lahi. Sa dami ng nag-iingay, halos nasabi na ang lahat ng dapat sabihin (at may mga nasabi rin na hindi na dapat sinabi). But I hope this expression of outrage would go beyond Mr. Chip Tsao's cheap shot.

In denouncing Mr. Chip Tsao's lack of class, let us also denounce all forms of stereotyping we Filipinos also make of other races. Mula sa pagportray sa mga Indian na mga "five-six" at sa mga Chinese na mga kuripot na laging nagmemaintain ng dalawang libro ng accounting records, let us denounce these tasteless stereotypes kung gusto nating magka-moral high ground sa issue na ito.

In denouncing racism, let us stop being racists ourselves - both against other races and and against our own race. Let us denounce laughing at so-called "Bisaya English", dark skin, curly hair and unsophisticated "baduy" get-ups.

Idenounce rin natin yung pagstereotype sa media sa mga katulong. Ilang beses na bang hiniya ang mga katulong sa ating mga pelikula, noontime shows at sitcoms? Ilang beses na nating pinagkatuwaan ang mga Inday jokes at ang mga kabobohan ni "yaya"?

At higit sa lahat, sana mabuti ang pakitungo natin sa mga sarili nating kasambahay. Pinag-uuniform niyo ba ang mga kasambahay niyo? Hiwalay ba ang kanilang pagkain sa inyong pagkain? Binabayaran niyo ba sila nang below minimum wage? Pinaghuhulog niyo ba sila sa SSS at Philhealth? Binibigyan niyo ba sila ng sick leave at vacation leave?

3 comments:

jher said...

korek ka dyan paeng. kaya nga ako di ako nagrereak masyado kay chip tsao kasi di ko pa kaya ang mga sinasabi mo. at least hindi ako ipokrito. hahah :-P

siyetehan said...

ilang beses na bang may ganitong isyu?

napakarami nang beses na nagkaroon ng racial discrimination na nasangkot ang pinoy.

pero sa sarili nating bayan, tayu-tayo'y tumutuya at nanlilibak ng ating mga kalahi

Anonymous said...

yup.


we have to respect other people for other people to respect us. :-)