May 26, 2009

Rambling

Matagal-tagal na rin akong di nagpo-post. Ewan ko ba, kasabay ng pagpaplano sa direksyon ng NGO na pinapasukan ko, napaisip rin ako kung ano nga ba ang dapat gawin ng Pilipinas to get out of the rut it is currently in (wahhh, biglang lalim naman). Habang pinag-aaralan mo kasi ang mga problema, makikita mo ang pagkakakawing-kawing ng iba't ibang isyu.

Kapag inarok mo ang ugat ng kawalan ng trabaho, papasok na ang isyu ng kakulangan ng kwalipikasyon ng mga tao dahil sa kakulangan sa edukasyon. Defective ang education ng tao kasi defective ang mismong educational system. May problema sa educational system dahil sa corruption, sa tendency natin na mag-adopt ng foreign systems na hindi naman angkop sa atin, sa kakulangan ng budget dahil mali ang priorities ng gobyerno (debt servicing, basketball courts), sa pagsurrender ng basic education sa private sector kung kaya't naging market-driven profit-oriented, sa overcapacity ng educational system dahil sa population growth, etc.

As you can see, I am already rambling here. Hehehe. Dahil sa dami ng problema sa lipunan, ang hirap talagang isipin kung saan ba dapat magsimula. Kung may sisimulan ka naman, magkakaroon ba ito ng saysay kung wala namang magsisimula sa ibang aspetong nakakawing sa isyung sinubukan mong atakehin?

Questions, questions...

3 comments:

Nance said...

Hi,
Got here from blog hopping. Tama po kayo, daming problema ang bansa natin, which is a shame because we have a lot of natural resources that can boost the economy kaya lang mga officials, mas priority ang bulsa nila.

number cruncher said...

Sa tingin ko, isa sa pinakamalaking ugat talaga ng problema ay overpopulation. Kasi kung nauubos ang panahon at resources dahil sa kakulangan ng edukasyon o di kaya sobrang daming supply ng manggagawa na lumiliit ang sahod, talagang baka overstretched na tayo dito sa ating kapuluan...

fai said...

i liked how you laid down the cause-effect things re: educational system. galing. and yes, they're so true.