October 30, 2006

Not guilty!

Sa Inq7:

Paeng leaves death, destruction in Luzon

----------

Alam mo ba ang pakiramdam ng ma-associate ang pangalan mo sa isang karumal-dumal na krimen?

Nung 2000 ay nagpunta ako sa US kasama ang Kontra-Gapi para sa aming North American tour. Konti lang ang nakakaalam na umalis ako. Kaya imaginin niyo na lang ang reaksyon ng aking mga kaibigan nang mapabalita sa TV na may isang rape suspect na ang pangalan ay Erwin Rafael.

Erwin Rafael. Rapist.

Buti na lang at malakas at air-tight ang aking alibi.

Hassle nga lang nung nagpa-NBI Clearance na ako ilang buwan pagka-uwi. Ang tagal ng processing at nakadalawang balik ako bago ko nakuha. Mabuti naman at di ako dinampot. Pinagpaliwanag sa presinto. Ininterrogate. Winater torture.

(Pero nasaan na kaya si Erwin Rafael, the rapist? Rapist nga kaya siya o napagkamalan lang? Nahuli kaya siya ng mga pulis? Nakakulong na? Nakalaya na? Nagtatago pa rin sa batas?)

----------

Sa text message:

"Sir Paeng. Bat namerwisyo p kau s isabela. 5 2loy ang namatay. Tsk"

2 comments:

paolomanalo said...

Paeng, lovesick ka lang!

manilenya said...

lol! pareho pala tayo may kapangalan na rapist ..pinagtataka ko lang tunog babae naman ang name ko pero ayaw ibigay sa kin ang NBI ko dahil may abduction with rape case daw ako tsk tsk tsk tsk