October 30, 2006

Ang hirap maging bagyo

Kasalukuyang papaalis na ng Luzon ang aking katukayo. Ito'y pupunta na ng Paracel Islands at dun naman manggugulo.

Nung una ay naaliw ako nang magkaroon ng kapangalang bagyo. Siyempre, sa dinami-dami ng puwedeng ma-assign na pangalan na nagsisimula sa letrang P, Paeng pa talaga ang napili. Para nga akong nanalo sa raffle.

Nakakatuwa pa kasi nito lang naman sinimulan na ang pangalan ng lalake ay kinokonsidera na rin sa pagpangalan ng bagyo. Hindi kasi tayo gender-sensitive noon. Pero ngayon, may "equal opportunity" na ang lalake, babae at bading para mapili ang pangalan para sa bagyo.

Ngunit ang pagkaaliw ko ay napalitan na ngayon ng pagkairita. Kasi ba naman, paulit-ulit na lang ang mga joke sa opisina at pati na rin yung mga natatanggap ko sa text.

"Sir, kayo pala ang bagyo ngayon."

"Ang lakas mo, Sir! Sinasalanta mo na ang Pilipinas."

"Grabe ka, Paeng. Basang basa ako!"

"Ano ka ba, Paeng? Ang trapik tuloy."

"Ibang klase ka palang magalit."

Isinisi sa akin ang baha. Ang pagkapostpone ng pagbabakasyon sa Baguio. Ang basang sapatos at medyas. Ang pag-aabsent. Ang lagnat, sipon, ubo...

Paano kaya kung may mawalan ng ari-arian dahil sa bagyo?

"Putang ina mo, Paeng!!!"

"Tang ina mo rin, nanahimik ako dito sa opisina!!!"

Pero ang nakakatuwa rin naman, maraming kumontak sa akin na matagal ko nang di nakakausap. Kinakailangan ko lang palang maging bagyo at national disaster para ako ay maalala.

1 comment:

manilenya said...

hahahahaha!! kulet nitong post mo tyo paeng lol!!! actually kaw nga din ang naalala ko nung napanood ko sa tfc kagabi yung bagyo e :) ....buti na lang di naging kasinglakas ng milenyo yan, naalala ko tuloy si milenyo dahil halos kasing tunog ng manilenya, pinagloloko din ako ng mga blogger dahil sa bagyong yun....... sa comment mo sa kabila baka naman kasi di ka nagcocomment sa mga blog nila kaya di rin sila nagcocomment sayo ..big sabihin walang kinalaman kung pulitika man ang mga tema ng entry mo lol!!yaan mo mangangampanya tayo ng maraming komento para blog entries mo lol!!