November 6, 2006

First day blues

Ang trapik kaninang umaga. Ang daming jeep sa kalsada, tapos puno pa ang mga ito ng pasahero. Ibang-iba ito sa nakaraang linggo, kung saan inaabot lang ng 20 minutes ang biyahe ko mula sa bahay papuntang office. Nangalahati na ako sa biyahe nang mahinawa ko na unang araw ng klase nga pala ngayon para sa 2nd sem ng AY 2006-2007.

May kakaibang excitement akong naramdaman. Ganito talaga ako kapag first day of school, parang bumabaha ng adrenaline sa aking veins. Magkahalo ang sabik at kaba, kasi may mga bagong estudyante na namang pakikisamahan, mga bagong librong babasahin, at mga bagong topic na pag-aaralan at ituturo. Ang hindi ko lang talaga kinasasabikan ang mga bagong papel na tse-checkan.

Tapos bigla ko na lang naisip...di na nga pala ako papasok sa eskuwelahan. Pagkatapos ng halos limang taon, ngayon lang magkaka-unang araw ng klase na wala ako sa loob ng klasrum.

Nawala ang aking excitement at napalitan ng pagkasentimental. Bumaba ako sa Lawton, napatingin sa nagsisiksikang mga sasakyan papuntang Quiapo na siguradong didiretso rin sa university belt area. Nagtext ako sa mga estudyante ko, sabi ko:

"How surreal. It's the first day of class, and for the first time in 5 years, I am not going to school."

Maya maya ay may nagreply:

"Dnt wori d kyo ng-iisa. ako dn! hehe"

"Sir 1st day of work nmin d2 s sgv."

"1st day of skul, eto 1st day nmin mgapply, dumudugo aming ilong kkcompose ng essay"

Ay, oo nga pala. Sabay sabay nga pala kaming "grumaduate" ng mga estudyante ko.

4 comments:

melai said...

ganun? para rin pala kayong mga estudyante excited sa first day kahit na di naman papasok at tatambay lang talaga sa skul lol!! ano naman pinagka kaabalahan ni ser?

Jerome aka Bridget Jones said...

hoy, mareng melai! si paeng ay akin na. chos. he's my colleague. lungkot nga ni pareng paeng eh.

anyway, tol. basta my offer still stands. inuman tayo. wag ka mag-alala. let me know in a few months if the decision to defer teaching is worth it.

melai said...

wahehehehehe mareng jerome susumbong kita sa dyosa ng Japan lol!! di ka pa nagkasya yata kay fafa Jher kurutin ko singit mo diyan e ....teka naiiyak yata ako dito.

Paeng said...

Melai: anong pinagkakaabalahan ni Ser? full time na trabaho sa NGO. hehehe.

Bridget: di muna ako iinom. next week pa pag magaling tutugtog sa aking tambayan. LOL